My Anime Boyfriend [One Shot]

4.8K 156 66
                                    



“Bru,” tawag sa akin ng best friend ko. Si Trish Lawliet.


“Oh?” sagot kong hindi man lang siya tinignan.


“May sasabihin sa’yo si Alec.”


“Ano ‘yon?” tanong ko habang tinignan si Alec.


Kaklase namin si Alec. According kay Trish ay may gusto daw sa’kin si Alec. Hindi ko alam kung totoo kasi wala namang sinasabi si Alec o ipinaparamdam man lang. May pagkatorpe yata, gwapo naman siya kaya lang wala talaga akong maramdaman na kilig sa kanya. Hoho~


“Ahmm—P-pwede b-ba kitang ma-mayayang... aherm! Can I, Can you—” nauutal na sabi ni Alec.


“Err~ Ano?! Hindi kita maintindihan, huminga ka kaya muna,” nakangiwing sabi ko. Bakit ba siya nauutal?


“Go Alec! You can do it! Aja!” pagtsi-cheer naman ni Trish.


“Ahmm—P-pwede ba kitang ma-mayaya mamaya a-after school?” tila nahihiyang sabi nito.


“Ahh, sorry Alec may gagawin kasi ako, next time nalang siguro,” sabi ko. Nilingon ko si Trish na ngingiti-ngiti lang. Haay, bruhang Trish ‘to. Siya pa yata nag-udyok kay Alec na ayain ako.


“Gano’n ba? Ahmm, okay. Sige next time nalang,” malungkot na sabi ni Alec bago umalis.


“Naku! Bruha ka talaga. Bakit mo tinanggihan si Alec, ha?” nanggigigil na sabi ni Trish. Umiling-iling pa ito.


“Hindi sa tinanggihan ko siya... may gagawin naman talaga ako, eh,” pagpapalusot ko.


“Bakit ba ayaw mong makipag-date kay Alec? Tatandang dalaga ka n’yan.”


“Tatandang... ano?! Hoy, bruha! Fourth year high school pa lang tayo. Anong tatandang dalaga ako?” Grabe lang! Adik talaga ‘tong best friend ko.


“Iyon na nga, eh. Fourth year na tayo wala ka pa ring boyfie,” balewalang sabi lang ni Trish.


“So? Darating din tayo d’yan bru, ‘wag ka mainip,” sabi ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko kanina.


“Ano ba yang ginagawa mo?” tanong nito habang sinisilip ang ginagawa ko.


“Ayan! Tapos na! Yey!” masayang sabi ko at pinakita ang drawing ko.


“Tss! Anime na naman, hindi ka ba nagsasawa d’yan?”


“Hindi. At bru, ayan ang gusto kong maging boyfie. Isang katulad ni Usui Takumi. Hihihi,” kinikilig pa na sabi ko.


“Patingin nga!” sabi ni Trish sabay hablot ng drawing ko. “Adik ka! Paano mo magiging boyfie ang isang anime, aber?” nakataas ang kilay na sabi pa nito.


“Sabi ko, katulad ni Usui. Hindi isang anime,” hinablot ko na sa kanya yung drawing ko at niyakap.


“Pareho lang yun, no.”


“Magkaiba ‘yon,” pilit ko.


“Uwaaaahhhh!!! Waaaaahhhh!”


My Anime Boyfriend [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon