Nasa huli po ng chapter 8 yung link kaya paki basa po muna ang huling chap para malaman kung sino ang nasa private chap
enjjooooyyy!
-KA <3
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
GABE'S POV
Umiyak ako ng para bang wala ng bukas. Selfish ba ako? gusto ko lang naman ay mahalin ako ni Seph. For once he never said that he loves me.
Oo gusto kong mahalin niya ako katulad ng pagmamahal niya kay Kirt. Sa lahat ng I love you na narinig ko sa kanya palaging may pahabol. Yun ay ang salitang bestfriend. hanggang I LOVE YOU BESTFRIEND na lang ba? Sobrang sakit na...
"I never changed... never.... at hindeng hinde kita iiwan Gabe dahil...." sagot ni Seph sa tanong ko.
Lumapit siya sakin at hinawakan ako sa mukha. Mukhang paiyak na rin siya pero pinipigilan niya. Dahil hinde niya siguro napigilan ang mga luha niya kaya pumatak na ito.
"Dahil.... mahalaga ka sakin." pahabol na sabi ni Seph.
"Gabe, hindeng hinde kita iiwan. Ikamamatay ko kapag iniwan kita. Hinde ko matitiis, baka maging miserable ang buhay ko." patuloy parin ang pagpatak ng luha ni Seph kasabay ng mga luha ko.
"Ako rin naman eh hinde ko rin kakayanin.... walang kwenta ang buhay ko pagwala ka Seph." ngumiti ako ng bahagya.
"Eh bakit mo ginagawa to sakin? Alam mo bang sobrang masakit sakin na nakikita kang umiiyak?" Tanong ni Seph.
"Alam ko, pero sana minsan intindihin mo rin ako. Dahil siguro sa mga nangyayari this past few days kaya ako nagkakaganito." sagot ko.
"Wag mo na to uulitin ah! Promise mo yan at promise ko na magiging ok na ulit tayo katulad ng dati." sabi ni Seph.
Kahit bumalik tayo sa dati, lalong lalalim ang feelings ko para sayo Seph.
"Promise?" tanong ko sa kanya.
"Promise. I love you Gabe.... Di ba sabi natin sa isa't isa bestfriends forever?" sabi nito.
"I love you too Seph..." nag I love you siya pero may dagdag... bestfriends forever?............. kakayanin ko bang itago ito forever?
Pagkatapos nun ay pinunasan niya ang mga luha ko at niyaya ako ni Seph na maglakadlakad muna. Naiilang ako kasi ngayon lang ulit kami nagspend ng time sa isa't isa at first time lang namin magopen-up sa isa't isa. Habang naglalakad kami tinitignan ko siya. He looks so calm, yung mukha niya kahit pokerface nakakaattract. No wonder, magkamatay matay mga babae sa school namin dati. Grabe ang pogi talaga ng bestfriend ko. Habang nakatitig ako sa kanya napansin niya ata kaya lumingon siya sakin. Di naman ito nagsalita at ngumiti lang, baka nag-fefeeling nanaman. Niyaya niya akong umupo sa isang bench. Nalala ko dito kami madalas magpahinga ni Seph pagkatapos namin maglaro.
Huminga ako ng malalim..... ahhhh grabe ang sarap talaga tumira sa probinsya. Kahit na malayo sa mga gimikan mas masarap pa rin tumira dito. Magsasalita sana ako pero biglang nagsalita si Seph.
"Mahal ko parin siya..." he said.
"ano pa ba? Seph maybe you need to forget her."
"Hinde ko kaya, she's my life." mangiyakngiyak niyang sabi.
"Your life? sira na ba talaga ulo mo? ni hinde nga naging kayo eh.." sarcastic kong sabi. Seph ginagawa mong miserable ang buhay mo.
"Let's just don't talk about this anymore, ayokong magaway nanaman tayo." sabi nito. tumayo siya at hinatak ako.
BINABASA MO ANG
Sweet Revenge
General FictionFalling in love with your bestfriend while he's deeply in-love with a different type of girl. Epic right? A story about love, friendship and REVENGE. Or should I say SWEET REVENGE.