Liptint

9 4 0
                                    

"Noheine, mamaya ka na mag-ml, kita mong naiisturbo ang mga kaklase mo e," linapitan ba talaga ako ng class president namin upang sabihin 'yun.

"Hinaan mo nga ang volume ng phone  mo, kita mong gumagawa kami ng assignment!" bulyaw pa ng isa ko pang kaklase.

Kasalanan ko bang hindi sila gumawa ng assignment sa bahay nila?

Lumabas na lamang ako at nagpunta sa rooftop.

Naabutan ko rin doon ang mga tropa ko 'noon' na tawa ng tawa. Hindi nila ako pinansin. Sabagay, sila ang trumaydor kaya't dapat lang na mahiya sila.

Tinawag ako ng isang lalaki sa rooftop. Bagong tropa ng dati kong tropa.

"Noheine," mahinang bulong nito.

Hinila nya ko palabas. Atsaka ko lang namukhaan ang mukha nito.

"Oy, ikaw na ba yan?"

Sya si Neil Sarmiento, tropa ko since kinder.

"pre, tulungan mo ko," pakiusap nito saakin.

"oh, e ano ba yun?" pabulong din na wika ko.

"Ahihi,"

WTF?

Inipit nya kunwari ang buhok sa tainga.

"Ahihihi,"

WTF. WTF. WTF.

"Ahihi, tanungin mo si Jayz kung anong liptint nya HIHIHI,"

BUMALIK ako sa room ng naka-simangot. Lumapit ako kay Jayz, yung class president namin.

"oy, ano nga palang gamit mong liptint?" nagulat ito sa tanong ko.

"BAKLA KA?!" huli na ng mapag-tanto nya kung ano ang sinabi nya.

Napatingin sa akin ang mga kaklase ko.

"Sayang huhuhu,"

"Oo nga,"

"Pre congrats! May Prinsesa na kami!"

"UY ITO NGA PALA BRAND NG LIPTINT KP HIHI," Sabi ni Jayz.

WTH? NEIL! KASALANAN MO 'TO!

Whiteroseofhelena's ONE SHOT storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon