Chapter 12- Archery💔

111 3 0
                                    


(No One's POV)

"Prrtt." Tzuyu stand properly and hold the bow high, she targeted the center and slowly release her grip to the arrow.

"Its a 10!"

At the end the school meal club is the winner of the archery. Dahyun got straight 9 points, Chaeyoung got two 9 points and one 10 points while Tzuyu Got straight 10 points.

"Congratulations Triplets." agad naman silang nilapitan nang mga Unnies matapos nilang bumaba sa stage suot ang kanilang medals.

Kumuha muna sila nang litrato bago nagsimulang maglakad palabas nang gymnasium. Nauunang maglakad ang Dahmo, Satzu at si Jihyo samantalang nasa likod naman nila ang 2yeon at Michaeng.

Napatigil sa paglalakad si Chaeyoung nang makaramdam sya nang paninikip sa dibdib nya, kaya naman napatingin sakanya si Nayeon nang nag-aalala.

"Chaeyoung? Bakit?" Agad itong lumapit kay Chaeyoung nang makitang nakahawak ito ng mahigpit sa left chest nya.

Agad na nag-alala si Nayeon at kinuha ang bag ni Chaeyoung habang napatigil naman ang squad sa paglalakad at napatingin sa nag-aalalang si Nayeon.

"S-sa B-bag Unnie." Kahit nahihirapan ay nagawang sabihin ni Chaeyoung, kaya agad syang inupo ni Jeongyeon sa isang bench habang binuksan naman ni Nayeon ang bag ni Chaeyoung.

"A-anong nangyayari Unnie?" Nag-aalalang tanong ni Mina kay Jihyo nang makitang nahihirapang huminga si Chaeyoung pero hindi sya nito sinagot at pumunta kay Chaeyoung.

Agad na kinuha ni Jihyo ang bag ni Nayeon, Jeongyeon at bag nya pagkatapos ay nilagay sa likod ni Chaeyoung na para bang nagsilbing sandalan nito habang pareho nilang hinahawakan ni Jeongyeon ang balikat ni Chaeyoung para siguraduhing nakaupo sya nang diretso.

Inilabas naman ni Nayeon ang inhaler sa bag ni Chaeyoung at agad na inilagay sa may bibig nito.

Nangilid ang luha sa mata ni Nayeon pero agad nya itong pinunasan, Ilang minuto din sila sa ganung pwesto habang ang tatlong japanese ay naguguluhan lang na nakatingin sakanila.

Si Tzuyu at Dahyun naman ay pinapaypayan si Chaeyoung at pinunasan ang pawis nito. Makikita mong alam na alam na nila ang gagawin kapag nangyayari yun kay Chaeyoung.

Maya-maya lang naging stable na ang paghinga ni Chaeyoung kaya nakahinga sila nang maluwag.

"A-anong nararamdaman mo? May masakit ba? L-let's go to the hospital Jeong ihanda mo yung kotse m-.." Agad namang niyakap ni Jeongyeon si Nayeon para pakalmahin ito.

"Shh love, relax. Its fine now." Napahagulgol na si Nayeon at yumakap nang mahigpit kay Jeongyeon.

Tumabi naman si Jihyo kay Chaeyoung na ngayon ay nakapikit pa rin pero normal na ang paghinga nya. Unti-unti nitong minulat ang mata nya at huminga ng maluwag. Narinig nya ang iyak ni Nayeon kaya tumayo na sya at lumapit dito.

"Unnie? Okay na ko." humarap naman si Nayeon sakanya at niyakap sya nang mahigpit.

"Ano ba kasing ginawa mo? Diba sabi ko sayong iwasan mong magpagod." Chaeyoung just rub her sister's back to calm her.

Maya-maya lang tumigil na si Nayeon Sa pag-iyak at naisipan na nilang pumunta na lang sa dormitory dahil sa nangyari.

Walang nagsasalita hanggang sa makapunta sila sa kani-kanila nilang kwarto.

"Mina mauna ka na sa Room niyo may kailangan lang akong sabihin kay Chaeyoung." Sabi ni Nayeon kay Mina at tumango naman ito pagkatapos ay pumasok na sa kwarto.
Dinala naman ni Nayeon ang kapatid nya sa kwarto nila ni Jeongyeon kasama si Jihyo.

----------

(Chaeyoung's POV)

"Baby sabihin mo nga sakin? Bakit nangyari nanaman yun? Nakalimutan mo bang inumin ang gamot mo?" Tanong ni Nayeon Unnie sa oras na makapasok kami sa kwarto nila.

Pinaupo nila ko sa kama at tumabi sa magkabilang gilid ko si Jihyo at Jeongyeon Unnie habang si Nayeon Unnie naman ay nasa harap ko hawak-hawak ang kamay ko.

"Hindi Unnie, hindi ko nakakalimutan yun." Sagot ko at nakahinga naman sya ng maluwag.

"May ginawa ka ba na naging dahilan nito? Gumalaw ka ba ng sobra? Naging sobrang saya?" Tanong naman ni Jihyo Unnie.

'Naging sobrang saya? Oo sa tuwing nakakasama ko si Mina sobrang saya ko.'

"Wala Unnie, hindi ko rin alam kung bakit bigla nanamang umatake ang sakit ko." Sagot ko.

"Basta pag may naramdaman kang kakaiba sabihin mo agad sakin okay?" Sabi ni Nayeon Unnie kaya tumango ako.

"Wag kang ng mag-alala Unnie mag-iingat na ko." nakangiting sabi ko at tumango naman si Nayeon Unnie pero alam kong nag-alala pa rin sya at nalulungkot ako pag nakikita syang ganyan.

Hinatid na nila ko sa Room 140 at bumalik sa kwarto nila. Pumasok naman ako at naabutan si Mina Unnie na nakaupo sa kama nya habang hawak ang phone nya.

Nahiga ako sa kama kaya napatingin sya sakin.

"Okay ka na ba Chaeng? Nag-alala ko kanina. Pwede ko bang malaman kung anong nangyari sayo?" Tanong niya at tumingin naman ako sakanya at ngumiti.
Okay na ko Mina Unnie, inabot lang ako ng a-asthma." Yung last part ng sagot ko isang kasinungalingan lang.

"You have asthma?" tumango na lang ako at humawak sa left chest ko. 'Thank God.' Akala ko hindi ko kakayanin yung sakit kanina.

"Then you should becareful Chaeng wag kang magpapagod." narinig kong sinabi niya bago ako tuluyang nakatulog.

------------

Ano kayang totoong sakit ni Chaeyoung? Do you have idea guys?

💖ROOMIES💖(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon