“ huhuhuhuhu! Walangya ka ranz! Linoko mo ako! Bakit mo ako ginago?!!” umiyak ako ng umiyak habang lunch break the next day.
“ hala? Naging kayo teh?” asar ni Tristan. Yung totoo bakla ka ‘tol?
“ tumigil ka nga! Kahit na! linoko niya pa rin ako! Huuuuuhuuuuuhuuuu!” itinuloy ko ang aking pag iyak.
“ tumigil ka na nga jan pam! Di pa naman confirmed eh. Malay mo close friends lang sila!” kinomfort ako ni marie
“ sira! Ang sweet sweet? May padala dala pa ng bag.tapos may “ napasaya mo ako” effect tapos close friends lang? NOOOO! He’s cheating on me!” muka lang akong tanga.
Narinig kong tumawa si sharry. “ problema mo sharry? Kanina ka pa ah! Kita mong I’m hurting here. Tapos tumatawa ka jan.” sabay irap ng mata.
“ mukha ka kasing desperate housewife. Relax nga. Tatanungin ko siya kung liniligawan niya yung elize nay un or kung sila ba” mahinahon na sabi ni sharry “ pero sure ako hindi pa. kaya cheer up nga!” dugtong niya.
“ talaga? Tingin mo di pa sila?” I asked
“ oo nga! Chill!” sabi niya naman.
Dahil sa sinabi ni sharry gumaan naman ng konti yung loob ko. Siguro tama naman siya diba? Close friend niya si ranz, mas kilala niya siya. Tumango na lang ako at nagdasal na wala siyang liniligawan dahil kung meron. Pakshet. Mahaba habang pag momove on to.
“ HUY PAM! NAKITA KO SI RANZ TSAKA SI ELIZE BA YUN? ANG SWEET!” biglang umeksena si chuchay. nag init ang katawan ko at lumabas ang sungay ko, bigla ring may lumabas na usok mula sa ilong ko at na expose ang aking buntot.
“ CHUUUUUCHAAAAY!!!!” sigaw ko tapos biglang takbo
Tumingin lahat sina Tristan, sharry at marie kay chuchay. “ baket? Anong ginawa ko?” tanong niya.
--
Naglakad lakad kami ni Tristan sa campus since vacant naman namin.
“ sabi ko sayo, hard to reach siya teh!” pabaklang sabi ni Tristan.
Duda na talaga ako ditto kay Tristan mukhang nababakla na eeh.nahahawa na ata kay cherrylou at gereldeen na sikat na mga bakla sa campus.
“ mang aasar ka nanaman eh!” sigaw ko
“ haaay. Pam. Kung ako sayo maghanap ka ng iba. Hindi naman gwapo yang ranz nay an eh.. mukha ngang daga. Yan ba nga type mo? Mga kamuka ni kokey?” sabi niya habang kumakain ng tinapay
“ sinasabi mo lang yan kasi inggit ka sa charm at charisma niya! Wala ka kasi nun.!” Asar ko
sakanya habang kumukuha ng kapirasong tinapay na kinakain niya.
“ bumili ka rin kaya!” sigaw niya habang tinitingnan yung tinapay na kinuha ko sakanya.
“ aba! Selfish ka na ngayon ah? Baka nakakalimutan mo may utang ka pa sakin. Di mo pa binabalik sakin yung perang hiniram mo pambili ng brief! Gusto mo isiwalantang ko yun!” patawa kong sinabi.
“ ikaw naman bestfriend. Joke lang naman eh. Di ka mabiro. Gusto mo pa? kuha ka lang.” tumawa nalang ako ng malakas. Brief lang pala katapat niya eeh..
“ balik tayo dun kay ranz. Talaga bang gusto mo siya?” mahinalang tanong ni Tristan
“ hindi ba obvious? Ewan ko nga eh. Tinamaan talaga akems. Asintado si kupido .” I answered
“ ahh. Nangyari na rin yan sakin eh.tinamaan ako sa isang babae na hindi ko naman alam ang rason kung bakit.” Biglang nag change yung mood ni Tristan. Bigla siyang naging seryoso.
“ talaga? Bakit hindi ko alam yan? Sino yung girl?” tanong ko.
“ aahh. WALA! Tara na. time na para sa next class natin.” Hinatak niya ako. Hindi ko na sinubukang itanong ulit kay Tristan kung sino yung babaeng yun kasi alam ko hindi niya lang naman sasagutin at gagawin niya ang lahat para maka iwas sa “hot seat”
The next class was English. Nakaka nose bleed. Mahina talaga ako sa English kaya pag ito na ang subject nganga lang ako. Mabuti pa sina kylie at Tristan ang galing, parang yun talaga yung nakasanayan nilang language
“ I know everyone has a wish, so.. if you were given a chance to wish for anything you want, what will it be?” mala beauty pageant na tanong ni mrs.concepion
“Mr.Sandoval.” Unang natawag si Tristan,
“ ma’am if I were given one wish, I wouldn’t wish for world peace or triumph over our country, my wish is for this girl, I wish she would notice that I STILL love her.. because she….she is my world.”
Napa nga nga ako sa sagot ni Tristan. Sino ba kasi ‘tong babaeng to?
“ okay. Good. Next ms. Helena.” Natawag naman si kylie
“ ma’am, I wish to see my father again even just for a minute.”
“ why? Where’s your father dear? Is he working abroad?” tanong ni mrs. Concepcion
kring.kring.kring. chismosa alert.
“ he was working somewhere in Italy when suddenly a group of gangsters rampaged the place he was working in. a lot of innocent people died because of it , unfortunately one of them was my father” sagot ni kylie habang maluha luha
“ I’m sorry to hear that ms. Helena, don’t worry I’m sure your father is with our creator.” Sabi ulit ni mrs. Concepcion. Ayng kasi eh.. tinanong mo pa eh! Umiyak tuloy si kylie! Salbahe kang guro ka :3
“ okay. Next. Ms. alvarez.” Utang na loob bakit kailangan pa akong matawag.
Daahan dahan akong tumayo.
“ ahhm. If.. if.. I was..were.. will? Given a wish. I would wesh. I mean wish for a lot of friendship and dats.”
“ what? What is DATS?”
“ma’am. Dats.. shortcut for datung.” I answered . oh. I’m so proud of myself may bago pa silang natutunan sakin. DATS.
umupo na ako with my chin held high. Tumingin ako kay Tristan.
“ okay ba?” tanong ko
Tumawa siya “ oo pam, okay.” Ngumiti ako “ okay kung grade 1 ka pa lang. if I was were will? Wesh? Dats? Ano yun? Ibang klase ka talaga!” dugtong niya
“ he! Hindi mo lang naintindihan . what matters is the message not the grammar.” Oh… straight English yun. Narinig ko sa Korean drama.
--
Haaaaaayyyyy! Salamat! Tapos na ang klase at Friday pa. buti nalang walang c.a.t o citizenship advancement training. Ayos. Alam ko yung meaning.
Lakwatsa ako nito bukas :D
Pauwi na ako with some other friends. Tiningnan ko yung bench na inuupuan ni ranz pero wala siya. Hay. Isang araw ko siyang hindi nakita.
“ paaaaaaamm!” sigaw ni sharry
“ oh bakit?” tanong ko sakanya
“ false alarm. Hindi nililigawan ni ranz si elize at mas lalong hindi sila!”
BINABASA MO ANG
My Love, Please Be Mine ♥
RomanceAraw- araw ginaganahan pumasok sa school, hindi para makakuha ng baon, hindi rin upang may matutunang makabuluhan, kundi upang may masulyapan. Kung iisipin, mali ang rason ko eh, pero aminin RELATE kayo. Ito ay ang kwento ni Pam, isang simpleng high...