Kupido.

79 0 0
                                    

Hello! Ipinakikilala ko nga pala si Clark. Si Clark ay isang school hottie, gwapo at popular! Basketball player at  mayaman, chickboy pati si Clark. May mga kabarkada si Clark, si Drake at Jorge. Pero, pano kung mainlove si Clark sa isang simpleng babae sa skwelahan? Di kagandahan? Di mayaman? Di popular? Let's see!

~

CLARK'S POV.

"Good bye class. Please be ready for your group report tomorrow. Leaders please assign your group members for their part." 

Time na yes!! Wooh1 Uwian na sa wakas! Nakakatamad geography class namin.

Pero hindi pa man din kami nakakalayo sa tapat ng classroom, lumapit na si Ms. Leader, Ms. Karen papansin!

"Good morning, Mr. Clark Salvador. Ako nga pala yung leader para sa group report bukas, at yung ----" 

Di ko na narinig mga sunod na sinabi ni Karen. Naiinis ako dun eh. Ewan ko ba.

Nakauwi na din ko. Nakakain na din ako. Nakaidlip na rin ako, nagising ako sa isang...

Baby baby baby oh. ♪♫

Pag tingin ko sa oras, 12:34 am, tinignan ko kung kanino galing. Sus! Si karen na naman.

"Mr. Clark, ikaw po yung unang reporter tomorrow, inuulit ko lang. Thank you." - Karen 

Nung una di ko pinansin ng bigla kong maalala... Hala! Ano daw ung irereport ko bukas. Hala, patay ako kay Ms. Dimaculangan. FIrst reporter pa ko. Patay.

Nawala ako sa sarili at nireplyan ko agad agad si Karen sa pagdadali dali na makagawa ng report.

"Karen, ano ba yung irereport ko?" 

Inabot ng siyam siyam si Karen bago nakareply!

12:59 am. Yes! Nireplyan na ko ni Karen, makakagawa na din ako ng report.

“Sige Karen. Salamat.”

“Walang anuman Mr. Salvador.”

Pumasok ako sa school ng walang report, di ko alam gagawin ko! Maaga akong pumasok ngayon, 8 pa time namin, pero pumasok na ko ng 6. Baka sakaling makapagpatulong pa ako kay Karen. Hay.

Ayan na si Karen. Yes! Buti na lang maaga siya ngayon. Wala pang tao kaya dali dali akong lumapit kay Karen.

“Karen, di ko nagawa pasensya na.”

“Ano ba yan Mr. Salvador---“

“Clark, clark ang itawag mo sakin.”

“Ano ba yan Clark. Um-Oo ka kahapon, ang dami mo pang oo, nagtext ka pa ng late para lang itanong ‘to tapos wala kang nagawa. Tsk. Totoo nga ang sabi nila.”

Dali dali ng naglakad papalayo si Karen, di ko na alam gagawin ko sa report! Kailangan ko ng tutulong, nung nakaraang quarter kasi bagsak ako sa geography kelangan ko bumawi.

“Karen! Saglit lang. Patulong naman.”

“Okay sige, maaga pa naman. Dun na lang sa library, hintayin mo nalang ako kung gusto mo magpatulong.”

Di na ko nagtanong. Pero ayos siya ah! Wala atang babae na pinaghihintay ako. Nako kung di lang para sa report to di ko talaga to hihintayin eh.

“Ano? Gagawa ka pa ba? Ano hinihintay mo diyan? Pasko?”

Di na ko sumagot, ginawa na naming ni Karen yung report ko. Nagpasalamat na ko, at lumabas na ko ng library.

“Woah, pare! First time to ah? HAHA! Ano ginagawa mo sa library??”

“Dre, report to. Geography class, bagsak ako dun last quarter. Kailangan bumawi.”

“Ikaw lang gumawa?”

“Oo—"

Biglang lumabas ng pintuan si Karen at iniabot yung mapa ko.

“Clark, naiwan mo.”

Sabay dali dali ng umalis si Karen.

“Barbero mo, pare! Oo ka pa ha? HAHA.”

“At uy, drake, tignan mo ang kasama! Ano yan Clark? Bago mo? Ano yan? Kung sino sino nalang?”

“Loko. Leader ko yan sa geography class namin, nagpatulong lang ako. Saka di ko type yan no.”

Nagsimula na ang klase, geography na! Shet. Buti na lang may report ako! Wooh, thank you.

“Well, done Mr. Salvador. Maganda ang report mo ha. Good start for this quarter, I think papasa ka na. Ipagpatuloy mo lang ‘yan.”

Takte! Di na maalis sa isip ko, napapangiti na lang ako. “Thank you po ma’am.”

Kabisadong kabisado ko yan buong buo, ngayon lang ako ulit napuri ng ganto! Sarap sa feeling! Habang papaupo na ako nalingat ako ng saglit kay Karen, nakatingin siya sakin na parang ngumingiti. Naupo na ko’t nakinig sa susunod na reporter. Pero, halos wala na rin akong naintindihan sa galak na nararamdaman ko pagkatapos makapag report ng maayos! Ngayon na lang ulit ‘to e. Di ko napansin......

“Goodbye class. And, good start for you Mr. Salvador, keep it up.”

Syempre, naging determinado ko mag-aral mabuti! Sarap sa feeling eh?

“Congratulations Mr. Salvador.”

“Nyeh, salamat.”

Ay si Karen pala yun!!

“Karen!”

“Yes?”

“Salamat pala. Sana sa susunod ulit, kung ayos lang.”

“Okay. Sure.”

Teka, teka? Ano? Ano ung nabanggit ko? Sinabi ko bang sa susunod ulit? Ha?! Teka, na-out of control ata ako ah! Si clark ba ‘to? Ayos yun ah, may next time pa? Hay nako.

*Kring, kring kring*

Blessed us O, Lord

For this thy gift which

We are about to receive

From thy goodness, through Christ Our Lord, Amen.

“Pare, sikat ka na naman ah.”

“Drake, di naman ako nalalaos eh? Haha loko lang. Bakit na naman? Issue na naman ba yan?”

“Baliw, pare. Iba ‘to, himala nga di issue e. Pinagmamalaki ka ni Dimaculangan!”

“Awtsa. Hahaha.”

“Sus, kung di dahil dun sa Karen na sinasabihan mo ng papansin dati, di ka naman pupuriin.”

Biglang dumaan si Karen sa likod namin. Binatukan ko bigla si Drake.

“Takte ka pare, dumaan ung babae sa likod mo! Dumaan si Karen. Tss.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kupido.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon