A/N: I made this story for my friend. She gave me the title and asked me to make a story out of it. So here it is... enjoy. It's a bit hurried cause I only made this after a few hours of typing.
Petchay... ETO NA!!! Sana ok lang. HAha... pero kung di mo type, pwede ako gumawa ng bago,XD
----
“Bakit naman nakamukmok ka na naman diyan?” Tanong ko kay Darren ng makita ko siya na nakatulala sa may canteen.
Ngumiti lang siya sakin sabay buntong hininga.
“Wala, bes. May iniisip lang.”
“Kelan mo ba sasabihin sakin yang iniisip mo? Aba, nakakatampo ka na ah. Tatlong taon na tayong mag best friend, tapos hindi mo magawang sabihin sakin yan.” Sabi ko.
Natawa lang siya sabay akbay sakin.
“Nakakatuwa talaga yang concern mo sakin, bes. Kaya mahal na mahal kita eh.” Sabi niya habang nakangiti.
Napangiti naman ako sa sinabi niya, pero sa totoo lang, ang isip at puso ko eh tumatalon na sa tuwa.
Sa tatlong taon na pagigng mag best friend namin nitong si Darren, sa tingin ko eh mag dadalawang taon na kong in love sa kanya. At gaya ng sinumang tao na nahuhuolog ang loob sa kaibigan niya, hindi ko magawang sabihin sa kanya to.
Ayoko naman kasi na mawala sakin ang best friend ko.
Pano ba naman kasi akong hindi mai in love dito? Narinig nyo naman siya diba? Masyado siyang sweet. Tapos, ewan ko ba. Apaka bait at napaka gentleman din nito.
Naging mag best friend kasi kami nitong si Darren nung second year college ako. Dahil block section kami, first year palang, kaklase ko na siya.
Hindi naman talaga kami nagpapansinan nung first year eh.
Pero nung naging magkagrupo kami sa isang project nung second year, naging magkaibigan na kami at nagkataon namang nagsabay sabay din ang problema ko nun. . Nagkataon ding wala si Bea, yung isa ko pang best friend, nung mga panahon na yun. Kaya naman siya lang yung taong napagsabihan ko ng lahat ng problema koGanun din naman siya sakin.
Lagi niyang sinasabi kung ano ang problema niya.
Kaya nga nakakapanibago siya ngayon dahil isang linggo na siyang tulala. Sa twing tinatanong ko naman siya kung ano ang problema, ayaw naman niyang sumagot.
Lalo pa ngayon, one week before graduation nalang.
Hindi ko talaga maisip kung bakit malungkot to.
“Ay nako, bes. Pasalamat ka at nadadaan mo pa ko sa ganyan mo. Kung hindi, naku. Matagal na kong nagtampo sayo.” Sabi ko naman habang naka pout.
“Wag ka ngang gumaganyan. Kumu cute ka lalo eh. Sige ka, baka pag nakita kang ganyan ni Simon, ligawan ka na nun.” Panunukso niya.
Si Simon ay yung kaklase rin namin na ‘sabi’ niya eh may gusto sakin.
Gwapo rin naman tong si Simon. Malakas ang dating. Mabait din. Pero mas gusto ko talaga tong si Darren eh. Hindi ko rin alam dito sa puso ko. Malakas ang tama.
“Topak. Pag narinig ka nun, pagtatawanan ka lang nun eh.”
“Oh, eh bakit naman?” Tanong niya.
“Eh kasi, apaka imposible ng sinasabi mo.”
“Bes naman. Wala ka bang tiwala sakin? Totoo to no. Type ka talaga nun.”
“Tigilan mo nga ako, Darren Andric Cristobal!” Sabi ko habang tumatawa.
“Hindi na, hindi na.” Sabi niya.
BINABASA MO ANG
I Love You, I'm Sorry (Short Story)
RomanceThe biggest mistake of all is to fall in love...