"MA'AM ARIA"
I woke up with someone nudging my shoulder. I winced when rays of sunshine greeted my eyes. Nakababa na pala ang bintana ng van.
" Mang Ben, bakit po?", I said through my raspy voice. Inabot naman sakin ni Leny ang tumbler ko. At isinuot ko naman ang sunglasses ko.
I gulped down the fresh water with lemon. Napaka-refreshing talaga. Good for the skin pa. Sayang naman ang clear skin ko kung magda-dry.
" Hija, isang bayan nalang Pastrana na. Magsi-cr muna ako ha? Nagl-lbm kasi ako", napansin ko naman ang bahagyang pag lukot ng mukha ni Mang Ben habang nakahawak sa tiyan niya.
" Sige ho, take your time", I nodded and smiled at him. Tumakbo naman ito ng mabilis papuntang banyo ng gasolinahan.
" Nasobrahan po yata si tatay sa alimasag, ma'am", napakamot si Leny sa ulo habang bahagyang nakangisi. "Ang takaw naman ho kasi", napatawa pa ito na tila ba nag replay sa utak nito ang katakawan kanina ng kanyang ama.
Napailing nalang din ako. Naparami nga naman ang nakain nila kanina sa isang seafood restaurant sa airport. Napahawak ako sa maliit na umbok sa tiyan ko at napabuntong hininga. Kailangan ko na namang bawiin ito sa work out. I should always maintain my physique to stay on top of my game. Ganoon kahirap maging supermodel.
" Ma'am Aria, excited na po ba kayong umuwi?", napalingon ako sa gawi ni Leny at nakita itong nilalalantakan ang isang pack ng dried mango. Umiling nalang ako bilang sagot at kumuha ng libro sa handbag ko na pinersonalize pa ni Yui Tsang, isang sikat na designer ng LV.
"Bakit naman po? 8 years din kayong hindi umuwi. Tuwing pinapasama ko kayo kapag uuwi ako, ayaw niyo naman", hindi ko na siya pinansin pa kaya tumahimik ito.
Good...
Mayamaya pa, dumating na si Mang Ben na tila umaliwalas ang mukha.
" All good na ma'am supermodel!" Nag thumbs up pa ito sakin habang nakangisi bago sumakay sa driver's seat at istart ang van. May pinagmanahan talaga sa kakulitan si Leny.
Ipinukol ko ang atensyon sa ngayo'y nakasarang bintana ng van. Everything seems to pass like a blur. Before I knew it, nasa Libertad Bridge na kami kung saan mababasa ang "Welcome to Pastrana", parang may kumikirot sa puso ko. Posible bang namiss ko ang lugar na ito?
How could I miss the place that brought me nightmares. 8 years ago, I vowed never to come back. But here I am now, on my way to the mansion I once called home.Kung hindi lang dahil sa karamdaman ni dad. I swear, hindi ko talaga ibr-break ang promise ko sa sarili.
" Welcome back to Pastrana Ma'am Aria!", Leny beamed at me. Tinaasan ko siya ng kilay kaya napatikhim ito at tumahimik. Ang daldal talaga nitong personal assistant ko. Kung hindi ko lang siya kababata ay matagal ko na tong sinesante. Efficient nga, chismosa at madaldal naman.
Napaka-haba talaga ng Libertad Bridge. Para bang nakikipagkompentansya ito sa San Juanico Bridge. Kaya naman dinarayo rin ito ng mga turista. Isa ito sa mga magagandang tourist spots ng Pastrana.
"Ma'am! Tingnan mo oh! Yang malawak na lupain pagkatapos ng Libertad, pagmamay-ari na ng mga Fontanilla yan! " napatingin ako sa itinuro ni Leny.
Fontanilla...
" I see" tanging sagot ko at ibinaling muli ang atensyon sa harap. Patuloy na lumalawak ang lupain ng mga Fontanilla. Halos sakop na nila ang buong Pastrana, liban nalang sa mga lupain ng ilang prominenting pamilya at ang karagatan ng bayan na pinaghaharian ng mga Cordaza.
Fontanilla...
"TAY!"
Kasabay ng pagkuyom ng kamao ko ay ang pag gewang ng sasakyan pakaliwa at ang pag salpok nito sa kung ano at ang pagkauntog ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
Ardent Affections
RomansAria Pelaez is finally back! And she's back with a plot of vengeance for the man responsible for her father's greatest downfall.