Kabanata 25

0 0 0
                                    

18th birthday. 

 

May mga crush talaga tayo na kahit hindi tayo crush, nahuhuli nating tingin ng tingin sa atin.

  

Napabuntong hininga ako.

  

Kinakain ni Al ang sistema ko't hinahanap-hanap ko siya. "Ssen? " Nagsimula ito nang mahuli ko ang tunay n'yang pagkatao. Simula no'n, nahuhuli ko s'yang napapatingin sa akin na para bang binabasa ang bawat galaw ko. Paasa. Amputik!

"Hello? " Kumaway sa aking mukha si Xed. "Ssen, Interesado ka ba sa 18th birthday mo? "

  

Tumingin sa kanya ng seryoso.

  

"Sino-sino 18 roses mo? " Ibinilang sa kamay ang suhestyon niya. "Pero syempre, kasama na kami ro'n sa 18 roses mo. Tapos 18 dance, tapos--"

"Si Al! " Mabilis kong ani.

Tumingin si Xed sa akin na laglag ang balikat. "Ow. Okay "

"Si Al! " Pag uulit ko. "Nababaliw na ako, Xed. Gusto kong makita si Al sa debu ko! Siya lang at wala ng iba! "

"Ouch ha! "

Tinalikuran ko siya't nagmukmok sa aking kama. Niyakap ang unan habang nakadapa. Oh my gosh! Seryoso ako sa sinabi kong si Al ang gusto kong makita sa birthday ko. Gusto kong 18 Al ang magpakita sa birthday ko! Kahit 'Yong banner ko, gusto ko may Al! Iyong cake na may pangalan ni Al! Iyong invitation card na may pictures din ni Al! Langyang Sepe 'yan! Ngayon ko lang aaminin sa sarili kong addicting 'yong face ni Al. Kahit sa panaginip ko'y sumusulpot ang playboy na 'yon. At kahit sa panaginip ko'y playboy pa rin siya. Tss.

  

Tulala ako buong maghapon.

  

Ilang araw nalang at birthday ko na. Hindi ko maramdamang birthday ko. There's just one thing I want to happen... To see Al on my birthday.

"No " Kinagat-kagat ko ang aking kuko. Hindi mapakali sa desisyon ni lola. "Walang tu-tungtong na Sepe sa lupaing ito "

"Pero lola, nakatungton na po si Al sa lugar na ito? "

"SHUT THAT TOPIC YOUNG LADY! " Sigaw nito na ikinagulat namin. Napatigil ako sa pagngatngat ng kuko at tumayo ng tuwid.

Saglit na katahimikan at si Tyre ang nagpa-payapa sa kalooban ng matandang binasted ng isang Sepe. Kaya't 'yon! Bitter na bitter siya't ginagantihan sila sa paraang kami ang apektado! Kaming ikatlong henerasyon ang nagdudusa! Paano kung hindi talaga sila ni Don Sepe ang nakatadhana at isa talaga sa amin? Paano kung ganoon nga? Paano kung may isang Sepeng magkagusto sa isa sa amin? Paano kung mangyari 'yon?

  

Subalit hindi mangyayari 'yon kung ganito sila ng ganito!

  

"W-Wala naman pong masama?! "

"Walang masama? " Yumuko ako. "Masamang-masama "

  

Masama nga ba talaga?

  

Right. Masama nga. Masama ang aking loob, pagsapit mismo ng aking kaarawan. For the first time in my life, now I realized that this world where I was, just here. Pero 'yong nasa labas? Ni hindi ko lubos maisip na may mga nakakatuwang tao din pala sa likod ng lupaing ito?

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon