Kabanata 27

0 0 0
                                    

Kaligtasan.
   

Ang lambot ng lips!

  

Halos mabasa ko ang labi nito kaya't pumikit ako.

  

Ang puso ko'y hindi kumakalma. Sarap ng feeling. Ito pala 'yon? Parang ayoko ng itigil pa. Ang landi ko. At nilalandi ako ni Al ngayon! Nagpapalandi naman ako kaya't lumalabas ang kalandian kong itinatago ngayon.

"Bakit sila naghahalikan? " Bakit nga ba?

  

Oh shit!

  

Agad akong humiwalay. Marami pa silang sinabi pero tila bingi ang aking tainga para pakinggan. Wala rin akong planong initindihin kaya't si Al ang in-entertain ko.

"T-Teka! Siya ba 'to?! "

"Ay! Siya nga! "

"Iyong lalaki sa maskara! "

"Why did you do that? " Narinig ko pa rin ang kaibahan ng mga salita niya sa kanila.

"Birthday gift " Mahina kong ani.

  

Namula ang aking pisngi't siya lang talaga ang pinansin.

  

Tumango-tango ito't nag iwas muli ng tingin, na para bang nahihiya rin sa akin na ikinagulat ko. Kapwa na kami may hiya na ngayon at hindi makatingin sa mata ng isa't isa.

"H-Hindi ko talaga alam na birthday mo ngayon? "

"Kasasabi mo lang kanina " Saglit na sulyapan. Panakaw-nakaw pa. Nakakahiya. "Kung sakaling hindi ko birthday ngayon... Are you going to visit me? "

"I'm... I honestly... Hmmm... Starting to... "

"Like me? " Iyan ang best gift ever.

Asa pa ba ako? "Flirting you "

Hindi na makangisi ngayon. Lumayo ng kaunti sa kanya. Sa huli, ako pa rin ang sa tingin kong lumandi sa kanya.

"Ssen! " Hintatakot ni Kai.

  

Iyon pala'y... MAY BITBIT NA BARIL SI CONDE! AT NAKATUTOK PA SA ULO NI AL SA LIKOD!

  

Yumuko ito saglit para guluhin muli ang buhok. Wala s'yang kaalam-alam na may nakatutok na pala sa kanya ngayon. Ang mata ko'y halos lumuwa sa gulat at para akong tinakasan ng huwisyo.

  

Oh shit! Shit talaga!

  

Not my Al! Conde! Kahit dulo pa ng hibla ng kanyang buhok, huwag na huwag n'yong gagalawin! Bugbugin kita d'yan e! "C-Conde! " Kahit sino man sa kanila, hindi ako makakapayag na saktan nila ang taong nagpapatibok ng aking puso. Isa akong Buencamino, Buencamino kami ng bansa, that's enough for them to respect my decision.

"What's happening here? " Boses ni Tyre.

  

Saka lamang tumingin sa kanila si Al.

  

Hindi ko nakita man lang kung nagulat siya. Nakaharap din kasi kay Conde, At nang mag iwas ng tingin ay parang wala lang sa kanya.

Grabe na 'yong kaba ko. "Pati pala Salud, nanunutok na rin ng baril sa isang Sepe? "

Kami lang ang maaring gumawa no'n sa kanila. Alam 'yon ng lahat. Likas na 'yon sa mata ng lahat, na para bang normal na pagbabanta na lamang 'yon sa away namin.

Burncamino (A war between Buencamino family and a Sepe family)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon