Two

15 0 0
                                    

Nakadungaw sa bituin habang magkahawak ang kamay nina Dazz at Ailey. Ito ay ang pangatlo lamang nilang pagkikita ngunit wala silang pakialam.

"Bakit ba hindi mo masabi sa akin ang ibang impormasyon tungkol sayo? Kahit kumg saan ka man lang nag-aaral? O nagtatrabaho?" Tanong ni Ailey.

Tama, nasa isang relasiyon siya na walang kasiguraduhan ang lahat. Ni address ay hindi niya alam ang tungkol dito.

Tumingin sa kanya si Dazz gamit ang mga matang puno nang pasusumamo. "I still go to school like you, I'm a graduating student."

"Saan ka nag-aaral kung ganoon?" Tanong ni Ailey ngunit tila ay hindi ito nais na sagutin ni Dazz. "Pangalawa ba ako? Kaya hindi mo ako kayang ipasok sa mundo mo?" Mangiyak ngiyak na taning ni Ailey.

Hinawakan ni Dazz ang kanyang baba. "No, baby. Please, hindi ganoon yon. I promise you, you're the only one."

"Then, why? Kahit full name nalang oh" pagsusumamo ni Ailey. Nalulungkot siya pagkat wala siyang kaalam alam tungkol sa lalaki. Walang label ang kanilang relasiyon ngunit nanghahawak si Ailey sa mga salita nito.

"Listen." Hinawakan ni Dazz kanyang kamay. "I want you to remember me this way. I can't promise you that I will always be there when you call but as soon as I get back, I will come for you, i promise." Dugtong niya

Kumunot ang noo ni Ailey. "When you get back? Bakit saan ka pupunta?" Nangangambang tanong niya.

"You see, I have limited time. But please do me a favor. Always, always remember my stare."

Nagtapos ang gabing yon nang walang ibang pinanhahawakan kundi ang mga salita ni Dazz.

Sa mga susunod nilang pagkikita ang ang mas paglapit nang kanilang loob sa isa't isa. May mga araw na sa isang linggo ay isang beses lamang silang nagkita, at may mga araw rin na halos ay di na sila mapaghiwalay.

Isang araw ay nagulat si Ailey nang makita niya sa sala si Dazz na nakaupo habang kausap ang kanyang mga magulang.

"Oh, anak! Gising ka na pala. Di ka man lang nagsabi na dadalaw pala ang kasintahan mo ngayon, di tuloy ako nakapaglinis ng bahay." Ang mga salita ng kanyang ina ay parang alarm sa kanya, doon lamang siya natauhan sa nagyari.

Dali dali siyang umakyat muli sa kanyang kuwarto upang makapag-ayos. Kung bakit nga ba ay hindi siya naligo baho lumabas nga banyo o kahit nagsuklay man lang.

"Mabuti at naisipan mong dumalaw at magpakilala ijo." Sambit ng ama ni Ailey

"Pasensya na ho at natagalan. Nag-ipon pa ho ako ng lakas ng loob." Dazz

Nang lumabas si Ailey ay sa kanyya naman natuon ang atensyon ng kanyang ama.

"Wala akong problema sa pakikipagrelasiyon mo, anak. Basta ba't hindi nakakaapekto sa pag-aaral mo at ipinapakilala mo sa amin ng maayos ay, aba ijo, seryoso ka ba dito sa unica ija ko?"biglang baling niya kay Dazz.

"Opo naman tito." Wala pag aalinlangang sagot nito.

"O siya, mag-ingat kayo." Ani ng papa ni Ailey.

"Ha? Bakit? San tayo pupunta?" Sabay tingin niya kay Dazz.

"Basta." Sabay hawak niya sa likod ni Ailey na para bang inaalalayan niya ito. "Sige po tito, tita." Paalam niya sa mga magulang nito.

Pagkatapos magpaalam ay lumakad na sila. Ganoong araw ay nagpasiyal sila sa syudad at gumawa ng magandang alaala magkasama. Nang maggabi na ay nagmaneho si Dazz patungo sa isang liblib na kagubatan na hindi kailanman nasilayan ni Ailey sa dalawampung taon niyang pagtira sa siyudad.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SomethingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon