Kung dumating ang araw na mababasa mo ‘to
Isipin mo na lang nagsulat ako ng kwento
Ako ang nag-iisang bida
Tapos dumating ka at umeksenaHabang binabasa mo ang kwento
Nagsusulat na ako nang bago
Bago pero binase ko pa rin sa’yo
Kasi ikaw pa rin ang nasa pusoSaang aspeto mo man tingnan
Lahat ng naisulat ko para sa’yo lang
T’wing nagkakatagpo tayo sa kung saan man
‘Di ko maiwasang ngumiti sa kawalanAng simpleng pagdaan mo sa’king harapan
At ang pagtawag mo sa’king pangalan
Ay naghahatid sa’kin ng matinding kilig
O kay sarap palang umibigNoong isang beses nahuli mo akong tinititigan ka
Nalilito ako kung iiwas ba o titingnan ka pa
Malayo-layo na rin ang aking nalakbay
Pero ni minsan ‘di nangyaring tayo’y magka-akbay
BINABASA MO ANG
Unspoken Poetry (COMPLETED)
PoesiaTagalog Poetry Collection Unsaid feelings for someone who is very dear to me. You may not be the right man who is meant to be with me but always remember that you will always be the man that made me who I am today. The man whom I can never own. I lo...