Chapter XVI

20 2 0
                                    


A/N: Kay Poseidon muna tayo.

Poseidon

Wala sa sarili akong naglalakad, alam kong hindi magtatagal ay malalaman ni Eu ang lahat at kapag malaman na niya ang tinatago ng mga taong nasa paligid niya ay alam kong dadalhin niya kaagad sa akin ang babaeng mahal ko.

Babaeng mahal ko.

Napangiti ako at inaalala ang buong mukha niya.

Kalahating minuto nalang ang natitira bago sumapit ang 5:00 pm nang biglang nag beep ang cellphone ko.

From: Eu-eu
Nasaan ka? dadalhin ko siya sayo.

Nanginginig ang mga kamay ko nang mabasa ko ang text ni Eu, alam na niya ang lahat. Halo halo ang emosyon ang naramdaman ko, saya, lungkot, inis at guilt.

To: Eu-eu
Sa Abandonadong room sa fourth floor, sa building natin.

Selfish man kung tawagin pero gusto ko na siyang makasama at ipaliwanag sa kanya ang lahat kahit pa ayaw niyang makinig.

Alam kong nasa Library si Eury kasama niya yung Artemis, napadaan kasi ako doon kaya alam ko yun.

At sa tantya ko, mauuna akong makarating doon kesa sa kanya--sa kanila.

Hindi ko maiwasan na isipin ang lahat noong una ko siyang makita.

Flashback
Two years ago

Wala ako sa mood habang naglalakad patungong room namin, it's the third day of class.

When i entered the room, my eyes were locked to the beautiful maiden laughing with her friends.

Brown eyes, small nose and red kissable lips, definitely my type.

Papasok na sana ako dahil nakatunganga lang ako sa mukha niya kaya lang may umakbay sa akin.

"Ganda noh? kaibigan ko yan" Nakangising sabi ng babaeng nakaakbay sa akin at nakatingkayad pa siya kasi hindi niya naman ako abot.

Eu.

"K-kanina ka pa ba dyan?" Tanong ko, ewan ko pero kinakabahan ako.

"Magkasunod lang tayo habang naglalakad" Nakangiting sabi niya kaya nag iwas ako ng tingin.

"Kaibigan mo yan? hindi halata ah, ang ganda niya at ng mga kasama niya tapos ikaw yung naiiba" I said and chuckled a bit kaya sinamaan niya ako ng tingin.

Well meet Eu, her name is Eurydicé and we're friends.

"Naiiba naman talaga ako kasi ako lang yung sobrang ganda" Pagyayabang pa niya kaya napailing iling ako. She's a bit morena, big pitch black eyes--which is bumagay sa kanya at makapal ang pilik-mata niya, round-shape eyes, average nose and pouty lips.

At ang malalaking matang tulad niya ay nababagay rin sa malalaking mata tulad ni Orpheus.

Hinila niya ako papunta sa mga babaeng yun kaya kinabahan ako.

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon