Chapter XVII

22 2 0
                                    

A/N: Kay Caerus bebe muna tayo para mas ma thrill kayo.

Ps. Sunod sunod po yung mga flashbacks ng ibang characters para malaman niyo yung mga pangyayaring hindi alam ni Eurydicé.

Caerus

Hindi parin ako makapaniwala sa ikinwento sa akin ni Art noong dumating ako dito, hindi naman siya yung tipong gagawa ng storya at magsisinungaling lalo na at tungkol kay Eury-krass.

Sa oras na malaman na ni Eury ang lahat, doon na ako papasok.

Hindi naman talaga ako dito mag aaral kung hindi lang dahil sa sinabi ni Art.

Flashback
Two months and
two weeks ago

"Art, bakit mo ba ako pinauwi at talagang nakusap ka pa kay hahaoya na dito nalang ako sa pilipinas mag aral dahil gusto mong memoriable ang last year natin---which is nakalimutan ni hahaoya na hindi ka namin ka batch nila tomboy at krass" Sabi ko kaya tinaasan nanaman niya ako ng kilay.

Art is Art.

Nandito kami sa K-pop Cafe at kararating ko lang mula sa Japan.

"At alam ko naman na hindi mo yun gagawin kung hindi importante ang sadya mo" Dagdag ko pa.

"Cae, hindi ko ginawa ang lahat ng yun dahil laro laro lang ang lahat at tsaka mas gusto kong doon ka lang sa japan mag aral" Mataray niyang sabi sa akin.

"Mas mabuti yung every summer lang tayo magkikita para naman hindi kami magsawa at maumay sa pagmumukha mo" Dagdag niya, kahit kailan talaga walang sinasanto ang katarayan ng babaeng ito.

"Art, kung nandito ka lang para tarayan ako ay debale nalang" Seryoso kong sabi pero mas lalo niya lang tinaas ang kilay niya.

"Kung makapagsalita ka Cae akala mo hindi ka makikinabang dito ah" Sabi niya at ningisihan ako.

"At tsaka ayaw mo 'non? palagi mong makakasama ang taong minamahal at tinitibok ng puso mo?" Sabi niya kaya napangiti ako.

"Tsk tsk, inlababo kang talaga sa kanya pero sad to say, inlove siya sa iba" Sabi ni Art.

"Ge Art ipaalala mo pa yan!" Inis kong sabi kaya natawa ito.

"Pikon!"

"Gwapo naman!"

"Saang banda?"

"Syempre lahat, from my shiny hair, thick eyebrows, attractive set of blue eyes, pointed nose, delicious lips--" Binato ako ni Art ng tinidor.

"Mandiri ka nga sa sinasabi mo, kung ako talaga yung babaeng minamahal mo--which is kaibigan natin ay mandidiri ako" Nakangiwing sabi ni Art.

"Ano ba talaga ang pag uusapan natin? tungkol ba sa babaeng mahal ko o kay Eury?" Tanong ko at ningisihan naman niya ako ng napakalapad na para bang may mali sa sinabi ko.

"Ano ba talaga ang pag uusapan natin Salacia?" Sabi ko kaya sinamaan niya ako ng tingin.

"Don't call me with that name!"

Him, Her and I (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon