"Ang kwento ng aking buhay ay maahalintulad sa agos ng tubig mula sa malinis at payapang karagatan"
Ako,Ako si Aezia Isabell labing walong taong gulang,nagiisa na lamang ako sa buhay,ang aking mga magulang at aking mga kapatid ay magkakasabay na namatay sa isang car accident,mahirap man tanggapin pero kinaya ko parin...
Nasabi ko ang mga katagang"ang kwento ng aking buhay ay maahahalintulad sa agos ng tubig mula sa malinis at payapang karagatan"dahil itoy sumisimbolo sa pagkatao ko ngayon,
Mag-isa at payapang namumuhay sa isang nayon kung saan walang masyadong nakatira,
"Aezia!!aezia!!!" Narinig ko ang tawag saakin ni manang belen,ano kayang problema ni manang belen at para syang nagmamadali
"Bakit ho manang belen" tanong ko sa kanya,
"Ayy naku iha,kailangan mong pumunta ngayun sa mansyon ng mga del falco" humahangos na sabi ni manang belen sakin,teka?day off ko ngayun ah,bakit naman ako pinapapunta sa del falco,ang del falco kasi ay isang napakalaking hacienda dto sa aming probinsya at naninilbihan ako dito bilang katulong,at ang aking amo naman ay si don riego del falco at donya susana del falco at sa pagkakaalam ko ay mayroon silang anak na ang pangalan ay Rovie del falco na sa manila na nanirahan simula pagkabata pa,kaya hindi ko padin ito nakikita
"Iha nakalimutan mo naba kung anong araw ngayun,?" Huh?anong meron ngayun bukod sa pasko,tama pasko na ngayun,december 25,2003
"Ahh diba po pasko ngayun,kaya po bakit naman po ako papupuntahin sa hacienda del falco?" Nagtatakang tanong ko sa kaniya
"Iha ngayung araw na ito ang kaaraw ng anak ng mga del falco na si Rovie del falco,21 years old na sya at dito isasagawa at debut nya,at iyon ay mamayang gabi na mangyayari,kay halika na aezia,tayos magaayos pa ng mansyon" te-eka as in ngayun na talaga dadating yung anak nila?at debut ba nito,ibig bang sabihin,21 years old na ito?ano kaya itsura nito?paniguradong gwapo at maginoo din ito tulad ng kanyang ama na si don riego del falco
--------
Hindi alam ni Aezia na ang lalaking anak ng del falco ay kabaligtaran ni riego del falcoNakarating sina manang belen at aezia sa hacienda del falco,at doon nagsimula na sila mag-ayos para sa kaarawan ng unico ijo ng mga del falco
------------
Mag 7 na ng gabi ng matapos ang aming pag aayos para sa kaarawan ng anak ng mag asawang del falco"Oh ano,nakahanda naba ang lahat?" Tanong saamin ni donya susana,napaka bait nya saaming lahat na katulong dito sa kanilang hacienda,hindi nya kami itinuturing na parang alila lang bagkus ay itinuturing nya kaming kapamilya nya
"Opo donya susana nakahanda napo ang lahat para sa kaarawan ng iyong pinakamamahal na anak" nakangiting sabi sa kanya ni manag belen,ngumit naman pabalik sa kanya si donya susana,at tumingin saakin pagkayari
"Aezia,pwede bang paki sabi saaking anak na si rovie na kailangan nya ng magbihis sapagkat parating na ang kanyang mga inanyayahang bisita para sa kanyang kaarawan" nakangiting saad saakin ni donya susana,nanlaki naman bigla ang aking mga mata sa kanyang tinuran,ang ibig bang sabihin ay kanina pa dumating si senyorito rovie?te-eka,
"Po?ako po?pero?hindo ko papo alam kung saan ang kwarto ng iyong anak donya susana" sabi ko sa kanya,narinig ko naman ang pagtawa ng mahina ng mga kasamahan ko na katulong din at ang pagtawa ni donya susana
"Ikaw talaga aezia,naalala mo paba ung kwartong palagi kong ipinalilinis saiyo?" Natatawanag tanong saakin ni donya susana,tumango naman ako sa kanya at nagsabi ng "opo"
"Kung ganoon,yung kwartong iyon ay ang kwarto ng aking anak,kaya ikay humayo na at syang sabihan mo na ng makapaghanda na sya" nakangiting sabi saakin ni donya susana,kung gayon si senyorito rovie din ang mga gumuhit ng mga larawan doon?mga larawan ng kapaligiran at karagatan?mga larawan kung saan makikita mo ang agos ng tubig na patuloy nagbibigay buhay sa lahat
YOU ARE READING
WAVES(One Shot Story)
Short Story"Ang kwento ng buhay ko ay maahahalintulad sa agos ng tubig mula sa malinis at payapang karagatan" AEZIA ISABELL (OSS-pg1) Paano kung magbago...