N: Isang araw habang naglalakad ang main character sa may simbahan, may isang pulubi na biglang tumawag sa main character(oo, s'ya yung babaeng pulubi na madalas dun sa simbahan[at oo uli s'ya 'yung parang sintu-sinto at baliw kung umarte pero kapag walang nakatingin ay normal naman talaga] ).
P: Pssst! Psssst!
L: !??
P: [iniharang ang kamay na para bang nanghaharang]
L: [umiwas sa mga kamay ng pulubi at nagmadali lakad kasi late na klase vb.net as always]
N: Sumunod na araw (Miyerkules).
P: ...
L: ?![nakataas ang kilay at nagtataka habang nakatingin sa pulubi mula malayo]
P: Pssst! Di ka naniniwla sa Diyos di ba? [nagsalita bigla yung pulubi habang ang kamay e mistula nanghihingi nglimos]
L: !?!?(watda?! panu nito nalaman?) [sabay lakad ng mabilis papalayo sa pulubi kasi late naman s'ya ngayon Phil. History w/ Constitution]
N: Kinahapunan... around 4-5pm, nagdodota yung main character kasama yung mga kaklase n'ya. Kaya di sila nagkatagpo nung pulubi. Kinagabihan... andun pa rin yung pulubi, pero 'di nito nakita ang main character kasi mabilis s'ya maglakad plus gabi na rin kasi at madilim na. Bale kinaumagahan na ang sunod nilang pagkikita (Huwebes).
L: [naglalakad ng mabilis kasi late naman s'ya ngayon sa P.E. at para na rin makaiwas dun sa pulubi]
P: Pssst, ikaw na di naniniwala sa Diyos. [nakaturo ang daliri ng pulubi sa main character habang sinasambit yung nakasulat sa unahan ng linya na to]. 'Di ba 'di ka naniniwala sa Diyos?
L: ?! [nakakunot ang noo sa pagtataka at nagsisimula nang mamula mukha dahil nakatingin na sa kanya ang ibang taong naglalakad sa may simbahan, maliban run kinakabahan na rin s'ya kasi late na rin s'ya sa P.E. and so sa labas ng sidewalk na lng s'ya naglakad para na rin makaiwas dun sa pulubi at makatawid kabilang kalsada kung saan s'ya sasakay]
N: Gabi na ang uwi ng main character, tapos nagdota pa, tapos naglakad pa pauwi. Kaya ayun, mga 10pm na nakauwi. Kinabukasan (Biyernes), along simbahan uli at around 3:55 ng hapon. Katulad ng mga nagdaan na araw, andun lang yung pulubi. Nag-aabang ng mga magbibigay limos sa kanya, nang biglang na-spot-an n'ya ang main character na nagmamadali nanaman sa paglalakad, sa pagkakataong ito male-late s'ya laboratory ng VB.Net.
P: Hoy ikaw na di naniniwala sa Diyos, huminto ka [nakatayo, nakadipa at sinakop ang sidewalk]!
L: [napahinto sabay tanong ng:] ako ba kausap mo [kahit na alam naman n'yang s'ya ang tinutukoy nung pulubi na di naniniwala sa diyos, nagtanong pa rin s'ya na para bang walang alam at nagmamalinis]?
P: Ay hindi [sarcastic yung tono nang pananalita ng pulubi]?
L: 'Di pala ako eh [edi tumuloy ng lakad yung main character kahit na alam n'ya na sarcastic ang pagkakasabi ng pulubi at s'ya naman talaga tinutukoy nito].
N: Pagdating sa eskwela, late ang main character ng mga 21 minutes. Pero ok lang, mabait naman kasi si Ms. Cadayong. Kaya ok lang na ma-late s'ya dun. 'Wag lang sa Physics at Phil. History w/ Constitution. Kinabukasan ng umaga (Sabado).
L: (sana wala yung pulubi dun sa may simbahan ngayon, kumag na yun... pano kaya n'ya nalaman na 'di ako naniniwala sa diyos?)
N: Pagdating ng main character sa simbahan, natagpuan n'yang nakaupo run yung palaboy at nakatingin sa kanyang mga mata.
L: [dahan dahang naglakad at nakikiramdam]
P: Ikaw na 'di naniniwala sa Diyos... bakit hindi ka naniniwala sa Diyos [in a relax tone]?