CHAPTER SIXTEEN

546 34 3
                                    

" NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER SIXTEEN

"Oh buhay ka pa pala? Ang tindi mo rin ano?" Paismid na sabi ni Kenjie kay Hendrix na lupaypay dahil sa pagpapahirap nito.

Walang araw na hindi siya pimapahirapan ng kano, na minsan ay naging boss niya at karibal sa asawa niya.

"Siguraduhin  mo lang na mapapatay mo ako dahil kapag ako ang nasa katayuan mo, ako mismo ang papatay sa iyo." Wala mang lakas pero nagawa pa ring sagutin ni Hendrix ang mortal niyang kaaway.

Sa isipan niya, ngayon pa ba siya susuko kong kailan alam na niya kung sino ang may kagagawan ng lahat. Marahil nga ay hindi siya kasing yaman ng pamilyang pinagmulan ng asawa, pero mayroon siyang pinag-aralan at ito ang naging sandata niya hanggang sa nakilala niya ang asawa.

Nanlalabo man ang paningin niya pero hindi naging hadlang iyun upang hindi niya makita ang maamong mukha ng asawa sa balintanaw. Mula sa pagiging maamo, naging tigre ito na nagwawala. Tuloy, hindi niya maiwasang mag-isip kung kumusta na ito. Kumusta na kaya ang kanilang anak.

But...

Sa malaliman niyang pag-iisip sa kanyang mag-ina ay hindi niya namalayang nakaamba na naman pala ang latigo ng demonyo. Napadaing na lamang siya ng naramdaman ang sakit dulot ng paghampas sa kanya nito ng latigo.

"Kung hindi ka lang sana traidor hindi mo mararanasan ang ganitong buhay tarantado! Pero hindi bale dahil walang makakaalam na buhay ka pa. Ang mga kagaya mong mukhang perang NBI kunting halaga lang nasilaw na kaya't pati sila'y nadamay sa pagkamatay mo kuno. Well nawala ka na walang nakakaalam at mamatay kang ako lang din ang may alam nito. At para sa ikakaalam mo kami ni Crystal Angela ang nababagay hindi kayo. Ikaw na hampas lupa kumpara sa akin? Stupidity of her! Pero hindi na bale dahil kami na ang magsasama." Parang sira-ulong wika nito habang palakad-lakad sa lupaypay na si Hendrix.

Sa narinig ay biglang umasim ang mukha niya, (Hendrix) pero ng maisip ang tapang at galit ng asawa sa lalaking mortal nilang kaaway ay sumilay ang ngiti sa labi. Halos hindi man makilala ang mukha nito dahil sa mga pasa ay hindi pa rin maikakaila ang matikas nitong pagkatao.

"Iyun ay kung kaya mong amuin ang asawa ko gago. Kung alam mo lang na abot hanggang kabilang buhay mo ang galit niya sa iyo." Piping sabi ni Hendrix na buong akala niya'y nasabi lamang niya iyun sa sarili pero hindi pala dahil umabot ito sa pandinig nito.

In just a blink of eye, muling dumapo sa kanya ang hawak nitong latigo.

"What did you say fool? If I were you just accept the fact that we are mean to be together not you and her!" Sigaw nito sabay hampas sa hawak.

Hindi na kumibo si Hendrix dahil kung papatulan niya ito, siya lang din ang mahihirapan. Wala siyamg kalaban-laban dito dahil hawak siya sa leeg pero habang hindi pa siya tinutuluyan ay may pag-asa pa siyang makatakas mula dito. At iyun ang pagpaplanuhan niya kung paano. Kailangang lumaban siya para sa mag-ina niyang walang kaalam-alam kung nasaan siya.

As the days goes on, buong akala ng lahat ay walang plano ang may sungay kaya't laking gulat nilang lahat ng magpaalam ito.

"Pero anak baka mapaano ka." Salungat ni Mang Henry sa manugang.

"No don't think that way papa. Dahil kaya ko ang sarili ko." Sagot nito.

"Anak alam naming mahirap ang wala tayong kaalam-alam kung nasaan ang asawa mo pero please naman anak huwag mong gawin ang ikapapahamak mo. Maawa ka sa anak mo anak." Pakiusap naman ni Aling Trixia.

Dahil dito ay napatigil si CA, tama naman sila. May anak sila ng nawawala niyang asawa. Pero para sa kanya'y sapat na ang dalawang buwan bumalik ang lakas niya. Kung ang kaligtasan niya ang iniisip ng mga ito'y kayang-kaya niyang depensahan ang sarili niya. Sa pamilya nila, walang hindi marunong sa self defense. Ang rason ng kanilang abuelong dating general ay hindi sa lahat ng oras ay may nakabantay na mag-aalaga at magtatanggol sa kanila. Sa mga pinsan nila sa kambal na kapatid ng daddy nila ay gano'n din kaya hindi na nakapagtatakang lahat sila'y marunong at bihasa sa paghawak ng baril. In fact, lahat sila'y may mga lisensiyadong baril at hindi na nakapagtataka dahil both side ng magulang niya'y mha mambabatas.

NOBODY LOVES ME LIKE YOU DO WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon