CHAPTER 12 Josh

30 8 0
                                    

"Hi Odette." nakangiting sabi ni Mark.

Shit! Anong ginagawa niya dito!? Bwisit!

"H-hi." nahihiyang bati ni Odette.

Ugh! Kainis! Ang ganda na ng moment eh! Sasapakin ko na tong mokong na to! Nakikisapaw!

"Galing mo naman kumanta Odette." bola ni Mark. Oo bola yun para sakin.

"Ah.. Haha.. Salamat." sabi ni Odette.

Bakit siya namumula!? Ang pangit pangit nga ni Mark eh! Mas gwapo pa nga ako! Hmp!

"Uhhmm.. Sige mauna na ako ah? See you around." sabi ni Mark kay Odette at nag wink pa ang gago.

Tumango lang si Odette tapos pagkaalis ni Mark ay nagtilian naman ang mga babae sa room namin.

"Quiet!" sigaw ng teacher namin.

Ayaaaan! Ang lalandi ninyo kasi. Bleeeh~ bwahahaha!

"What a nice performance Mr. Mercer and Ms. Mendez." puri ng teacher namin.

"Thank you ma'am." -kaming dalawa ni Odette.

Natapos ang classes namin ng maaga since absent ang last teacher.

"Josh!" may tumawag ng pangalan ko.

Sino naman kaya 'to?

Tumalikod si Josh. Nakita niya si Mark.

Siya lang naman pala. Ano kaya kelangan nitong gagong 'to?

"Josh pwede bang favor?" tanong ni Mark.

"Ano ba yun?"

"Lakad mo ko kay Odette." sabi ni Mark.

Ano sabi niya!? Lakad ko daw!? Ulul siya! Hmp! Aagawin pa niya si Odette sakin!

"Di ko alam pare. Baka magalit yun sakin. Ayaw nun pag may nilalakad ako sa kanya eh."

Ha! Tignan natin kung papalag ka pa! Bleeeh!~

"Ganun ba? Sige pare salamat. Ako na bahala mag 'the moves'." sabi ni Mark. Confidently.

Potah! Mauunahan niya ako! Hindi ako papayag! May utak din ako noh!

"Good luck pare."

"Thanks." simpleng sabi ni Mark.

Kelangan ko mag isip ng gagawin! Ano kayang pwedeng gawin? Hmmm... Tanong nalang kaya ako kay Luke?

"Josh!"

Sino nanaman kaya 'to!?

Lumingon ako tapos nakita ko si Odette.

"Ano kelangan mo?"

"Tss.. Sungit! Meron ka ba ha?" tanong ni Odette.

"Sa tingin mo? Nagkakaron ba ang lalaki?"

"Hindi. Ikaw palang naman yun eh." sabi ni Odette habang pinipigilan ang tawa niya.

"Ay nako! Mang-aasar ka lang ba o may sasabihin ka?"

"May itatanong po lolo." sagot ni Odette.

"Tss.. Ano ba kasi itatanong mo?"

"Nakita ko kasi nag uusap kayo ni Mark." nahihiyang sabi ni Odette.

"Tapos?"

Nakakainis na ah! Odette naman eh! Bakit siya!? Bakit siya pa!? Nandito naman ako! Sakit lang sa heart! Pa heart surgery nalang kaya ako? Para hindi na ako magkaganito. Aish! Drama ko! Kainis naman kasi eh.

"Sungit talaga! Anyare?" tanong ni Odette.

"Wala! Ano ba kasi itatanong mo?"

"Ah! Tatanong ko sana na... Ano.. Ahh... Uhhmm... A-anong sinabi ni M-mark sayo." pautal-utal na sabi ni Odette.

Sabi na nga ba eh! Sakit lang! Hindi manlang niya naalala na nag confess na ako sakanya! Kung sabagay, manhid si Odette. Wala akong magagawa pag ganun. Haaaay. Buhay nga naman oh.

"Ahh, yun ba? Ayaw niya pasabi sa iba eh. Sorry."

"Josh naman eh! Wag kang ganyan! Nagtatanong lang ako tapos ganyan ka! Dali na! Di ko naman ipagsasabi eh." sabi ni Odette habang naka pout.

Wag ka mag pout Odette! Nakakatempt eh! Oh tuksooooo! Layuan mo akooooo! Bwahahaha! Corny ko! Bwahahahaha!

"Wag makulit Odette. Alam mo naman pag nag promise ako. Tinutupad ko."

"Ano ba yan! Hmp! Sungit talaga!" sabay lakad paalis si Odette.

Ano ba yan! Nakapag sinungaling na ko kay Odette nagalit pa siya sakin! Hmp! Kainis! Laslas na friend! Bwisit!

Naglakadlakad muna si Josh. Tapos may nakita siyang mga taong nagkukumpulan.

Ano kaya meron? May nagbubugbugan kaya? May drama ba? O sadyang trip lang? Ay! Makikisilip na nga lang ako! Bwahahaha! Chismoso lang? Di naman! Curious lang! Bwahahahaha!

Pumunta si Josh sa mga taong naka grupo. Nakita niya si Mark na naka luhod.

Bakit kaya nakaluhod tong mokong na 'to?

Tapos bigla niyang nakita si Odette.

Ano ginagawa ni Odette diyan!? Bakit nakaluhod si Mark!? Ano nangyayareeeeehhh!? Pakshet!

"Odette, can I court you? Please?" Sabi ni Mark.

Halaaaa! Huhuhu! Inunahan na nga niya akoooo! Uwaaaaaah! Ano na gagawin ko!? Huhuhu!

~End of Chapter~

Hi guys! Thanks for reading! Happy 300+ reads! :D :) Hindi ko napansin na marami na palang nakakakabasa ah ^_^ Abangan nalang ang next chapter ha? ^_^ basahin niyo na rin ang iba kong stories! Hehehe xD

You and Me Best friends ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon