Kakatapos ko lang siguraduhing nakahanda at maayos na ang lahat. Mabuti naman at walang naging problema. Kasalukuyan lang akong nakatulala sa kisame. Sa mga oras na 'to, siguro nandoon na siya sa outing nila. Sabi niya, pwede naman ako sumama pero nagpaiwan ako dahil meron akong ginawa. Napangiti na lang ako sa aking binabalak. Sana lang ay magustuhan niya.
Biglang tumunog ang cellphone ko. Malapit lang ito kaya mabilis ko itong nakuha. Agad kong sinagot at itinapat sa kaliwang tainga.
[Uy Res! Asan ka na? Akala ko ba magkikita tayo dito sa cafe?] Medyo nilayo ko ang cellphone sa tainga ko. Ang tinis naman kasi ng boses, dinaig pa ako.
"Oo na. Nagbibihis na ako. Don't worry, pagkatapos ko dito pupunta na ako diyan."
[Sige. Sige. Bilisan mo na lang. Nasira na beauty ko dito. Ibababa ko na ha?] at binabaan niya na nga ako. Hayss ang arte talaga.
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga. Kinuha ko yung bag sa tabi ng kama at lumabas na. Diretso akong naglakad palabas ng apartment. Nilakad ko lang papunta sa cafe. Nang makarating ay pumasok na ako. Malapit lang siya sa may pintuan kaya nakita ko siya agad. Umupo na ako sa kaharap niyang upuan.
"Ang tagal mo ha? Akala ko ba aagahan natin para iwas traffic? Kakaloka ka! Tingnan mo 12:00 nn na!" sabay kurot pa nito sa magkabilang pisngi ko.
"Aray! Masakit! Sorry na nga ho. Nalate kasi ako ng gising eh." Sa wakas ay binitawan na rin niya ang pisngi ko. Napahawak na lang ako dito dahil naramdaman kong medyo kumikirot. Baklang to talaga eh.
"Hays. Tara na nga at ng makarating na tayo doon." Tumayo na siya at lumabas ng cafe habang bitbit ang inorder niyang kape. Sinundan ko lang siya.
"Carl, wala ba akong kape diyan? Hehe." Sakto naman na nakarating na kami sa kotse niya.
"Wala. Di ka naman nagsabi na gusto mo eh. At kabayaran mo na din yan para sa pag aantay ko. Hmp." Ang sungit naman? Meron ata siya ngayon haha.
Napakibit balikat na lang ako at sumakay na sa passenger seat. Nag drive na rin siya kaya wala akong nagawa kundi tumahimik. Tumingin ako sa labas ng bintana para medyo malibang naman ako. Lumipas ang ilang oras at mukhang naipit nga kami sa traffic. Mukhang matatagalan yata kami ah? Matutulog na lang muna siguro ako.
"OMG Res! Andito na tayo! Gising na dali!" Nagising ako dahil sa isang matinis na boses. Una kong nakita ay ang dagat sa labas ng bintana. Napaayos ako ng upo at napatingin sa kaibigan ko.
"Dali! Baba na tayo! Ang ganda naman pala dito!" Di niya na ako inantay at lumabas na siya ng kotse. Napalabas na rin ako para sundan siya. Nagsimula na kami maglakad papunta sa malapit na hotel.
Kahit malayo ay sumisigaw na ito ng karangyaan. Nang makapasok kami sa loob ay mas lalo lang akong namangha. Dinaig pa ng lobby nila ang pinakamagandang mansion na nakita ko? Halatang mamahalin lahat ng kagamitan dito. Paano kaya namin na afford dito?
Si bakla na yung kumuha ng dalawang room habang ako ay tumitingin pa sa paligid, hindi ko talaga maiwasang mamangha. Lobby palang ang ganda na, paano pa kaya mga rooms nila?
"Tara na Res! Bilisan natin at nang makaligo na tayo sa dagat!" Sabi niya sabay hila na sakin papunta sa elevator. Sa 4th floor at magkatabi yung room na kinuha niya. Agad naman akong pumasok sa room ko. Namangha na naman ako sa pagkakadisenyo ng kwarto. Simple ngunit elegante. Nilapag ko ang bag ko sa isang upuan. Kinuha ko na ang gagamitin ko panligo at nagbihis sa banyo. Pagkalabas ko ay nahiga ako sa queen size bed. Ay wow, napakalambot naman. Nakakaantok tuloy.
"Resanne naman! Bakit ang tagal mo? Wag mo sabihing natutulog ka na naman?!" Naalimpungatan ako sa isang matinis na boses. Nakatulog pala ako. Napakapa ako sa bed side table para kunin ang cellphone ko. Pagkakuha ko ay tiningnan ko ang oras. Seryoso?! 5:30 na?!
BINABASA MO ANG
Perfect
RomanceRomanceph story entry. Date started: May 17, 2019 Date finished: May 23, 2019 Language: Filipino, English