WREN POV
Nag-alangan akong lumapit kay Kai. Ang dami kasi niyang kasama kaya nakakahiya at parang busy siya sa pagpapractice ng gitara. Gusto ko lang sanang itanong kung naalala niyang kinompose ni Ela o hindi yung Infinite Sadness. Pero kapag tinanong ko yun, para ko na ring inamin na ako si Ela.
Tumalikod ako at napailing, "Hindi pwede. Marami na ang nakakaalam ng totoong pagkatao ko at hindi na pwedeng madagdagan pa. Kalma Wren, kalma," bulong ko sa sarili.
I decided na hindi ko na lang siya tatanungin nang biglang may tumawag ng pangalan ko.
"Wren!"
Teklats. Boses yun ni Kai.
Magpapanggap sana akong walang naririnig, pero tinawag niya ulit ako sa mas malakas na boses. "Wren!"
Wala akong nagawa kundi lumingon. Nagulat ako na nasa tabi ko na siya at may inaabot siyang isang red notebook.
"Ano to?" nagtataka kong tanong.
"Sinulat ko ulit dito yung lyrics para mamaya."
Bigla ko tuloy naalala yung nangyari last week, "Uhm Kai, s-sorry pala sa-"
"Sorry kung medyo busy ako kahapon. Hindi tuloy tayo nakapagpractice," he said cutting me off. I felt like ayaw nyang pag-usapan yung nangyari last week. "Okay na ba yung boses mo?"
"Ahh... o-okay lang.." sabi ko sabay yuko.
"Parang hindi pa," at sinubukan niyang silipin ang mukha ko, "Ano practice na ba tayo?"
Tumango ako at kinuha ang notebook mula sa kanya.
"Tara?" inaya niya ako sa isang bakanteng upuan sa ilalim ng isang puno na malayo mula sa mga tambayan.
Binuksan ko ang notebook pero hindi Infinite Sadness ang una kong nakita. Parang draft ito ng mga kantang sinulat ni Kai na puno ng mga erasures at corrections. Binuksan ko pa ang ibang mga pahina at nakita doon ang iba pa niyang mga sinulat na kanta.
Inagaw naman sa akin ni Kai ang notebook at binuksan ito sa pinakahuling pahina. Doon pala nakasulat yung kantang Infinite Sadness.
"Uhm, nasabi sa akin ni Nic na tinulungan mo siya sa arrangement ng kanta?" hindi ko na napigilang magtanong.
"Aaah, yun ba.. oo," inamin naman niya agad na narinig nga niya kay Nic yung kanta ko. "Ikaw daw nagcompose nito kaya naisip ko ito na lang? Dinagdagan ko na lang ng 2nd verse. I hope you don't mind.."
Umiling ako, "I actually like it."
"Talaga?" then I thought I saw him blushed, "But you know, medyo familiar yung song. Hindi ko lang matandaan kung saan ko narinig..."
Nanlaki ang mga mata ko, "Aah hahaha, marami nga siyang katono..."
Napabuntung-hininga naman siya, "Haaay. Bakit parang hindi pa rin okay ang boses mo?"
"Ahem...aaah...aah...." sinubukan kong magwarm-up, "Makati lang ng konti.."
Napailing siya at nagsimula ng kalabitin ang gitara, "O sige let's start."
Pagkatapos ng intro, pumasok ako pero hindi maganda ang dating ng boses ko. Garalgal at para akong kinakapos ng hininga.
"This won't do it," nag-aalalang sabi ni Kai. "Kailangan mong ipahinga ang boses mo. Can you play the guitar instead at ako na ang kakanta?"
"Tuturuan mo ba ako?" excited ko namang tanong. Gusto ko sana siyang marinig kumanta ulit.
"Wala tayong choice eh.." at inabot niya sa akin ang gitara at yung stainless steel guitar pick niya.
BINABASA MO ANG
My Amnesia Band: Two Worlds Season II
Romantizm"Basta bandista, heart-breaker! Chickboy! Manloloko! Hindi dapat pagkatiwalaan! Hinding-hindi na ako maiinlove sa isang drummer!" Meet Wren Micayla Reyes - a first year art student and musician wannabe. Gusto niya sa music, pero ayaw sa kanya ng mus...