Kabanata 33

3.6K 208 18
                                    

Kaagad akong kinain ng takot dahil sa matatalim na tingin sa akin ni ginoong antonio. Ramdam na ramdam at kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

"Paano mo nagawa sa akin ito?" Hindi makapaniwalang sabi niya habang ramdam na ramdam ko ang puot sa bawat salitang binibigkas niya.

"Hindi ko naman sinasadya. Kailangan kong gawin iyon dahil tinakot ako ni felicia" pagsusumbong ko pa sa kanya.

Pero mas lalo lamang nalukot ang kanyang noo dahil dito. "Kung ganuon ikaw ang tunay na Celestina Agoncillo?" Mapanghamon pa niyang tanong sa akin na kaagad kong tinanguan.

"Sino sino ang nakakaalam?" Seryosong tanong pa niya muli, grabe ang pagtatambol ng aking puso. Mas sobra pa ito sa surprise recitation namin sa school.

"Si Helena, ang aking mga kaibigan at si simoun" sagot ko sa kanya kaya naman narinig ko ang bayolenteng pagbuga nito ng hininga. Dahil sa pagkakayuko ay kitang kita ko din ang mariin niyang pagkakakuyom ng kanyang kamao.

"Tinraydor ninyo akong lahat, pinagkaisahan at pinagmukhang mang mang" galit na akusa niya sa akin kaya naman kaagad ko siyang tiningala.

"Hindi sa ganuon ginoong antonio, maniwala ka...hindi iyon ang intensyon namin" pakiusap ko.

Pero sa malayo lamang ito nakatingin. "Ginawa ko iyon dahil tinakot ako ng magamang fagen na papatayin nila sina joselito, carlita at cedes. Kailagan kong gawin iyon dahil buhay ng natitirang pamilya ko ang nakasalalay" pagpapaliwanag ko pa sa kanya.

Dahil hindi naman ito nagsalita ay napayuko na lamang ulit ako at napaiyak. Nasa ganuon kaming posisyon ng dumating si Macaraig.

"Paumanhin Ginoong antonio, binibining Celestina. Ngunit nakatanggap ako mg mensahe mula sa Casa marinero. Iniimbita ho kayo ng Gobernador heneral para sa isang salo salo" sabi pa ni macaraig kaya naman kaagad kong pinunsan ang aking mga luha.

"Ihanda na ang sasakyan" seryosong sabi ni ginoong antonio dito.

"Paano po ang binibining Celestina?" Tanong ni macaraig sa kanya.

Hindi ako nito nilingon. "Ako na lamang ang magtutungo duon, maiwan ka dito para tumao at magbantay sa lugar" seryoso pa ding sabi nito kaya naman napanguso na lamang ako.

Maglalakad na sana siya ng kaagad pa siyang nagsalita. "Hindi ako pwedeng dumalo sa isang kasiyahan nang hindi ko pa lubusang kilala ang taong aking isasama" pagpaparinig pa niya bago siya tuluyang naglakad palayo.

Napatingin sa akin si macaraig at napayuko na lamang. Dahil sa nagbabadyang luha nanaman ay kaagad akong tumakbo sa aking silid at duon nagkulong.

Ang buong akala ko ay matutuwa si ginoong antonio pag nalaman niyang ako ang tunay na celestina agoncillo. Pero iba ang nangyari, nagalit pa siya sa akin.

Dinalahan na lamang ako ni Macaraig ng pananghalian dahil ayoko ding lumabas ng aking kwarto. Hindi siya nagsasalita pero ramdam ko din ang pagaalala niya.

"Gusto niyo pa rin ho bang magtungo sa Hardin ng puerta real?" Tanong niya sa akin.

"Pwede ba?" Malumanay na tanong ko sa kanya kaya naman kaagad niya akong nginitian at tinanguan.

Pagkatapos kong kumain ng pananghalian ay sinamahan ako ni macaraig na mamasyal sa hardin ng puerto real. Sobra sobra ang pagkaamaze na nararamdaman ko dahil sa lugar ng intramuros. Sa taong 2019 ay ilang beses na akong nakapunta rito, pero iba ang pakiramdam ngayon dahil buhay na buhay ang buong lugar. Hindi kagaya sa 2019, na puro estraktura na lamang ang makikita mo at hindi ka na pwedeng makapasok.

His last ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon