Chapter 2
ANIMO umabot ng mahigit isang oras ang pagkuha ng larawan bago sumabog ang liwanag ng flash. Tila gusto namang magprotesta ng utak ni freya ng bitawan na siya ni cliden at humarap sa dalawang babae na nagpasalamat at pumasok na sa kwarto ng mga ito. Ngayon ay solo nanaman nila ang paligid.
Matagal tagala bago muling bumalik sa normal ang nagkabuhol buhol na paghinga niya bago nilingon ang binata. hawak na nito ang cellphone at parang bata na nginingitian iyon.
"Papasok na ako sa bahay ko. At please lang, pwede bang umakto ka ng naaayon sa estado natin dalawa?" Aniya at muling lumapit sa pinto ng unit at pumindot sa lock pin. nang bumukas na iyon at akma na sana siyang papasok sa loob nang magsalita ito na ikinahinto niya.
"No. Aakto parin ako sa paraang gusto ko." Nakalapit na ito sa kaniya. Pagkatapos ay iniharap sa kaniya ang hawak nitong cellphone.
Kunit noo niyang sinulyapan ang screen niyon hanggang sa tumambad sa kaniya ang isang larawan. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi siya pwedeng magkamali. kanina lang kinuhanan iyon kasama ang dalawang babae. Pero sa larawan, makikitang dalawa na lang sila ni cliden. Crop? Inalis nito sa picture ang dalawang babae. At hindi lang iyon, kuhang kuha pa sa larawan ang mga sandaling nakatitig niya dito habang bahagya pang nakauwang ang bibig niya. At base sa reaksyon ng mukha niya, tila komportable siya sa bisig nitong nakaakbay sa kaniya.
"What the..." Kung titignan sa kahit saang angulo, halatang silang dalawa lamang ni cliden ang naroon sa larawan at mukhang hindi cropted.
Inangat niya ang kamay para kunin ang cellphone dito pero mabilis nitong nailayo iyon sa kaniya at saka binulsa. Yumuko ito para magpantay ang mukha nila.
"P-paano mo—"
"Natatakot ka sa sasabihin ng press kapag may nakakita sa ating magkasama, hindi ba? But this. . ." Tinampal tampal nito ang bulsa na pinaglalagyan ng cellphone. "I can do what ever i want to do now." Tila mapang-akit ang boses nito sa mga huling sinabi. at sumilay ang para bang panalong ngiti.
Naikuyom niya ang mga kamao. "Are you blackmailing me?!" Akusa niya.
Dumeretso ito ng tayo at humakbang palapit sa sariling unit na tinutuluyan nito. "No, sweetheart. Maliban na lang kung yun ang iniisip mo." Anito at pumindon ng mga kumbinasyon sa lock. At bago pa ito pumasok ay muli pa siyang nilingon. "Goodnight. Have a sweet dreams." Sabay kindat at sinara na ng tuluyan ang pinto.
Nanggigigil na pumasok na rin siya sa loob ng unit at pabagsak na isinara ang pinto. Ano na ngayon ang gagawin niya?
"MUKHANG di ka yata nakatulog ng maayos? May problema ba?" Mula sa pagkakatulala. Ibinaling ni freya ang pansin sa assistant na si joy. Nasa mukha nito ang pagtataka at pagaalala. Mabilis naman niya itong nginitian.
BINABASA MO ANG
🔞 When The Curtain Falls [ON HOLD]
General FictionFreya was satisfied with what she did achieve in her career, dahil alam niyang hindi biro ang lahat ng kaniyang pinagdaanan para makamit ang pagiging isang magaling na primera kontrabida. She would say, her life was almost perfect. Not until cliden...