"How dare y-you..." direktsang tumigil si Sean sa pagsasalita nang sampalin siya. Nakita niya rin ang luhang namumuo sa gilid ng mata nito. Kumikibot ang labi. Nanginginig rin ang kamay nito na pinang-sampal sa kanya.
"Sean? Tell me ano bang nagawa ko s-sayo bakit, b-bakit mo ako p-pinapahirapan ng ganito? Kasi, hindi ko maintindihan... P-please t-tell me I'm begging y-you"
Umiwas ng tingin ang lalaki. Sa lahat ng ayaw nya e ‘yong ganito, may babaeng nagmamakaawa sa kanya na para siyang diyos. Para bang humihiling ito ng isang bagay na siya lang ang makakapag-bigay.
C'mon, Sean talk this is what you want right? Make her beg? Why don't you talk? Let it out! You moron!
Pakiusap ng lalaki sa sarili habang nakatingin sa dalaga. Ngunit walang salita ang lumabas sa bibig niya. Parang kanina lang ang lakas-lakas ng loob niyang harapin ang babae at taasan pa ito ng boses. Sa harap pa mismo ng maraming tao! Fck!
"Sean... kung may nagawa man ako sayo, para gawin mo sa'kin ‘to. Please s-stop... Please... Hindi pa kasi naghihilom ng tuluyan ‘yung sugat sa dibdib ko. Kailangan ko naman ng konting pahinga"
At tuluyan na ngang nahulog ang luhang nagmamalibis sa mata ng dalaga. Hindi iyon nakatakas sa mata ng binata. Hindi niya ito mapahid katulad ng dati niyang ginagawa. Nandoon lamang siya. Nanonood sa susunod na gagawin ng dalaga.
"You know Sean? I treasure those happy moments with you. Those moments we shared together. B-but now? I'm s-starting to hate it"
‘Yun ang huling katagang sinabi ng dalaga bago lumisan sa kinatatayuan nito kanina. Sa harap ng lalaki. Na ngayon ay naka-kuyom ang kamao. Para bang handa na itong manuntok anumang oras.
“Mum? Can you tell me story? Please? Pretty mum please?”
Tumawa ako sa kakulitan ng batang nasa kandungan ko. Ang kulot na kulot nitong buhok ay nililipad ng hangin na nagmumula sa karagatan sa aming harapan. Kumibot ang maliit at May kapulahang labi nito. Tanda na hindi siya titigil hanggang sa mangyari ang gusto niya.“Hmm-- ‘bout what my little bunbun?”
Nanlaki ang mata ko nang muntik na itong mahulog. Bigla nalang kasi itong bumangon. Humagikgik pa ito dahil sa pagmamadali kong abutin ang maliit niyang braso at ipirme.“hehehe hmmm---” huminga ako nang malalim. Umayos ito ng upo. Nakalagay rin ang hintuturo niyang daliri sa kanyang baba. Natawa ako sa posisyon niya. Napaka kulit talagang bata.
“Aha! Mum how about LOVE STORY?”
“ahw my little bunbun know the word LOVE STORY. Hm-- I wonder where did she learned?”
Mas humaba ang nguso niya. Marahil tinawag ko na naman siya sa kanyang palayaw.“But- mum I'm big girl now”
“No you're still my little bunbun, Now I will tell you a story...... Bitter Sweet Love”