[ Yana ]
"Para sa'n 'yan?". tanong ni Andrei sa'kin matapos kong ilapag sa lamesang namamagitan sa'min ang puting sobre na kanina ko pang dala.
Nag lalaman iyon ng isang invitation galing sa mga magulang ko. Isang imbitasyon na mag lunch nang magkakasama ang pamilya namin ni Andrei.
Tinext ko siya nang araw na 'yon at sinabi ko sa kaniyang may importante akong ibibigay.
Nagkita kami sa isang coffee shop after classes. At sinigurado naming malayo iyon sa school namin pareho, para walang makarinig o makaalam nang mga plano namin.
Medyo nahirapan akon kumbinsihin siya no'ng una, pero napapayag ko din naman kinalaunan.
"It's a lunch date, with my family". nakangiting sagot ko.
Nag kunot-noo siya't humalukipkip. He slouched sa pagkakaupo at tinitigan akong mabuti.
"Do i really need to be there?". aburidong tanong niya.
"YOU SHOULD BE THERE". mariing sagot ko. "That is, kung gusto mong mabilisang makakawala sa sitwasyon nating 'to".
"Of course i want to. Kaya lang nakakatamad". walang emosyon at halata ngang tinatamad na sagot niya.
"Eh kelan ka ba namang sinipag?". sarkastikong tanong ko.
"And this question, coming from a spoiled brat like you?". nakangising baling naman niya.
At kinuha niya ang frappé niyang nakalapag sa lamesa, at uminom.
"Atleast hindi happy-go-lucky kagaya mo". i snapped back at him.
"Ayokong pumunta". he aswered back.
"But you have to". i glared at him.
"Says who?".
"Says me".
Muli niya 'kong tahimik na pinagmasdan.
"Kung hindi ka pupunta, masisra ang plano ko...natin. And we'll be stuck with each other forever!". seryosong paliwanag ko. "Not unless...."
Tumingin ako sa kaniya at pinaningkitan siya nang mata.
"Unless what?". patanong na ulit niya sa huling tinuran ko.
"Unless you're beginning to like me".
Halos mabilaukan siya sa iniinom na kape nang dahil sa narinig na sinabi ko.
"O, okay ka lang?". i concernedly asked.
Tatawa-tawang binitiwan niya ang iniinom at tuminging muli sa akin.
"Ikaw?...magugustuhan ko?. No way!, not in a million years. Hindinko pinangarap magka girlfriend o magkaro'n nang isang spoiled brat na kagaya mo sa buhay ko". tatawa tawang sabi niya.
Napataas naman ang kilay ko.
Gano'n?. So hindi man lang pala siya naaattract sa isang 'tulad ko?.
Wait...ano bang pakelam ko sa kung ano ang iniisip niya sa'kin?. And ano naman ngayon kung hindi siya naaattract sa'kin?. bulong nang isang bahagi ng isip ko.
Mabuti nga 'yan Breeyana eh, para purely business lang ang maging pakay ninyo sa isa't isa. sabi naman ng isa pang bahagi nito.
"Okay, fine. Pupunta na 'ko. Since na convince at napatawa mo naman ako today eh". putol ni Andrei sa mga iniisip ko.
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanfictionGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...