Chapter 38- Mga Markang Nag-uugnayan

139 7 1
                                    

Perspektibo ni S/Insp. Lim
__________________
Matapos namin natuklasan ang kanyang tunay na pagkatao ay nag-usisa pa kami tungkol sa kanya—bilang si 'Ajith Shantha'. Ang lumabas ay isa pala siyang wanted na kriminal sa kanila sa Colombo, Sri Lanka. At gaya rito, arson at Homicide din ang kanyang naging kaso roon, mahigit sampung taon na ang nakalipas.

Ayon naman kay Chief Bernales, hindi pa raw siya ang Hepe dito noon. At hindi niya alam kung paano ito nakalabas sa pagkakabilanggo. Hindi raw din ito pinadeport sa kanila sa 'di malamang dahilan.

Pero isa lang ang sinisigurado ko—isa itong notorious na tao, kaya hindi nagkakalayo ang posibilidad na may kinalaman nga siya sa pagkawala ni Teresita noong gabi ng August 15.

Tanging mukha niya lamang ang laman ng sinearch namin. Masyadong bata pa siya no'n.  At sa palagay ko ay tumakas siya ng kulungan at malamang, dito na siya sa Pilipinas pumunta—kung saan ay may kalayuan na rin ito sa kanyang pinagmulan na bansa. At para hindi siya agad matukoy o makilala, minabuti niyang pahabain ang kanyang balbas at pinaiksi ang gupit ng kanyang buhok. Kung paano ito nakapasok, ay marahil dahil sa paggamit ng ibang pangalan at pekeng dokumento na pinagawa sa kung sinumang tumulong sa kanya.

Matapos matuklasan ang kanyang pagkakilanlan ay napagpasiyahan kong hindi muna siya ipapadeport. Pinahayag ko rin ito kay Chief Bernales, sa kadahilanang may mga further questions pa ako sa kanya na hindi pa nasasagot. Hindi pa namin nahahanap si Teresita at nandito ang taong makakapagturo sa amin sa kanya.

"Isa pala siyang Sri Lankan, kaya nakakain ng karneng baka. Ang ibig sabihin lang niyan ay nagsinungaling talaga siya kay Teresita tungkol sa kanyang tunay na pagkatao." Ayon pa kay Tamayo.

Sa mga oras na ito ay nanananghalian kaming tatlo sa isang kainan malapit lang sa istasyon. kakaunti pa lamang ang mga tao roon—at abala rin sila sa kani-kanilang mga ginagawa, kaya ay nakakapag-usap talaga kami nang komportable.

"Dahil ito ang lead na sinusundan mo, ipaliwanag mo nga sa akin kung anu-ano pa ang mga natuklasan mo nitong mga araw na nawala ako." Utos ko pa sa kanya.

Nasa tabi ko si Mr. Gomez noong mga oras na yun, nakikinig sa mga pinag-uusapan namin tungkol sa imbestigasyon. Sa isip-isip ko pa ay mabuti na yun para malaman niya kung gaano kahirap ang ginagawa naming paghahanap sa anak niya.

"Ganito po yung nangyari..." Ani Tamayo. Sinulan niya nang ipaliwanag sa akin ang lahat ng nangyari noong sinundan nia ang kanyang naging lead sa imbestigasyon magmula noong mabaril ako.

Marami umano siyang natuklasan noong mag-isa lamang siyang kumilos—mula sa ikatlong CCTV Footage, kung saan nakunan si Sameer, hanggang sa mga diary na iniwan umano ni Teresita. Ipinaliwanag din ni Tamayo sa amin ang tungkol sa naging involvement ng dati nitong karelasyon na si Paulo, at si Audrey na matalik na kaibigan umano nito—na naging dahilan ng kanilang hiwalayan.

Pero ang pinaka-pumukaw talaga sa atensyon ko ay ang tungkol sa dating pagsasama ni Audrey at Sameer sa iisang bubong. Kumbaga ay tila naging paikot-ikot lamang ang naging ugnayan ng mga taong nasasangkot dito—isang anggulo na hindi ko nagawang tignan.

Naging palaisipan para sa akin ang mga ugnayan na nabanggit ni Zach. Si Mr. Gomez naman ay tila hindi na maipinta ang mukha habang nakikinig sa kanyang pagpapaliwanag.

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon