Disclaimer:This is a work of fiction.Names,characters,businesses,songs,places,events and incidents are either products of author's imagination or used in a fictitious manner.Any resemblance to actual persons,living or dead,or actual events is purely coincidental.
No part of this book may be reproduced or transmitted in any form or by any means,electronic or mechanical,including photocopying,recording or by any information storage and retrieval system,without written permission from the author.
Plagriarism is a crime
This story is unedited,so expect typo graphical errors,grammatical errors,wrong spellings and whatsoever errors.If you're looking for a perfect story,don't continue reading this.Thanks!
---
Sabi nila nage-exist daw ang magic,pero para saakin isa na lang 'yong kwentong pambata,para pabilibin at pagkatuwaan ng mga ito.
Hindi ko inaasahan ang isang bagay na 'to,na mismong matutuklasan ko at manggugulo sa tahimik kong buhay.
Ito ay ang 'Magic'...
'The Tale of The Seven Crystals'
Dito nagsimula ang lahat.Ang Magic...
---
"Totoo ang magic Elyza,hindi lang ito kwentong pambata"
Nandito na naman kami ng tita ko sa mga magic-magic na 'yan.Why can't they accept the fact, that Magic don't exist?lagi na lang nilang kinukwento ang tungkol sa mga bagay na di naman totoo.
I thought that they're smarter and matured than me.Hanggang ngayon ba naman naniniwala pa din sila sa mga ganyan.Tch.
"Wala nga pong patunay na meron talagang magic eh"Sagot ko,napabuntong hininga na lang si tita.
Parang pagod na pagod na si tita sa mga ganitong bagay sakin kung makapag buntong hininga.Malay ko ba sa mga 'yan,i'm not interested.
"Alam mo ba ang tungkol sa Seven Crystals?"tanong ni tita.Napakunot naman ako ng noo sa tanong niya.
"Hindi ka pa nabubuhay pati ang magulang at lola mo may naganap na isang digmaan"tumingin sa kawalan si tita na para bang ang lalim ng iniisip.
"Kwento ng mga matatanda dito,ang pitong kristal ay nagtataglay ng mahika."napatingin si tita sakin kaya tinignan ko din siya ng diretso sa mga mata niya.
Nakakunot parin ang noo ko sakanya.
"Kwento lang naman pala yun tita,walang katotohanan ang lahat"
Nag-iwas ng tingin si tita Margaret at napabuntong hininga na lang.Mga ilang sandali napuno ng katahimikan ang buong paligid,tanging hininga lang namin ang maririnig,muli din namang binasag ni tita ang katahimikan at tumingin saakin.
"Madaming namatay sa digmaan sa oras na 'yon at mula noon di na muling nakita ang pitong kristal o sa madaling salita,naglaho na lang ng parang bula"
"Kwento nila,matatagpuan daw ang mga ito sa pitong bayan.Ang Melton,Emerald,Reilin,Portia,Villa,Norim at Ruby."Napatingin ako kay tita Margaret na nakatingin parin sa kawalan.Nakakatawa pero,bigla na lang akong naging interesado at nakinig.
Mula ng binanggit kasi ni tita ang bayan namin kung saan kami nakatira,ang Melton,naging interesado ako.
"Pero walang patunay,dahil kwentong bayan lamang 'yon.Pero nasisigurado ko na totoo ang mahika at ang pitong kristal"lumingon si tita sa direksyon ko at ngumiti.
"Ano namang nangyari sa may hawak ng seven crystals tita?Naglaho narin sila ng parang bula?"tanong ko.
"Kinwento sakin ng lola mo na,kapag namatay ang may hawak nito ay maglalaho din ang hawak nilang kristal."
Napatango-tango na lang ako sa sagot ni tita"So ibigsabihin,namatay din yung mga nagma-may ari?"
Tumango si tita"Mula ng nangyari 'yon madaming nagka interest na hanapin ang mga kristal,pero hanggang ngayon ni-isa walang balita na may nakahanap ng isa sa mga 'to"
"May iba't ibang kulay ang mga ito at iba't iba din ang mga tinataglay nitong mahika.Matagal na panahon,naglalaban-laban ang dalawang makapangyarihan na academy dahil sa mga kristal.Dahil ang mga kristal na ito ay hindi ordinaryo,sa kanilang permanenteng mahika,rarest and dangerous type of crystal ang tinataglay nito"
Wow ha,kailan pa nagkaroon ng school sa mga so-called-magic na 'yan.Kakaiba,di ko alam kung inuuto lang ako o naniniwala talaga sila sa mga ganyang bagay.
"May portal daw patungo sa lugar na ito kung saan makikita mo ang dalawang mukhang palasyong makapangyarihan na academy"
Parang gusto kong matawa lalo na nang narinig ko yung salitang 'Portal'Amazing huh!Una magic,pangalawa School kung saan ang nag-aaral ay yung mga may powers,pangatlo portal!
"Kaya nila cino-considered ito na pinaka rare at dangerous dahil dito nagsimula ang magic,mula ng nawala ito,paunti na sila ng paunti.Kapag common lang ang magic na meron ka,kulay puti lang ito at di siya ganun kakintab tulad ng pito"
Parang gusto kong umalis sa kinauupuan ko at tumakbo palayo dito dahil sawang-sawa nako sa mga kwento ni tita!Mas gugustuhin ko pang matulog magdamag kesa marinig ko yang mga ganung kwento niya.
Ang mga mga parents ko ay nasa Portia,yun yung pinakamalayong bayan sa pito.Pinaubaya ako nila mama kay tita para asikasuhin nila ang trabaho nila dun.
"At ang pinakahuli at importante"napalingon ako kay tita na seryoso at lalo akong lumapit kay tita para pakinggan ang susunod niyang sasabihin"Kung sino man ang makahanap nito at magtangkang hawakan o kunin ito.Habang buhay mo tataglayin ang mahika nito at mapapasa-iyo."
Biglang tumingin si tita saakin ng diretso,para tuloy akong kinilabutan kapag ganito siya kaseryoso.Kahit ata magbiro ka di tatalab eh.
"Ngunit"napalunok ako,parang nagtitindigan tuloy mga balahibo ko kahit wala naman talagang nakakatakot"Kapag ginamit mo ito sa masamang paraan,mawawalan ka ng kontrol hanggang sa ang kristal ang kumontrol sayo at tuluyan ka ng mamatay"
Para akong nanigas sa kinatatayuan ko,ewan ko bat ako nagkakaganito.Di naman totoo ang Magic kaya wala dapat akong ikabahala.
"Mawawala lang ang kristal kapag ang nagmamay-ari ay patay na"
'Yan ang huling salitang binitawan ni tita.Mula nung kinwento saakin ni tita ang tungkol sa seven crystals hindi na ako makatulog ng maayos,parang ang lakas ng impact saakin nun.
Di na muling nagkwento saakin si tita Margaret tungkol dun pero sapat na yun na may kakaonting alam naman ako.Malay ko ako lang pala ang walang alam tungkol sa ganyang bagay tapos sila alam nila.
Madami pa akong tanong ngunit pinili ko na lang na tumahimik.Tungkol sa,sino-sino ang mga nagma-may ari nito?ano-ano ang taglay nitong kapangyarihan sa bawat kristal?at ang huli...Sino ang pumatay sa kanila at sino ang pinakamakapangyarihan na nagma-may ari ng isa sa pitong kristal?
Huminga ako ng malalim at humiga sa malambot kong kama.Tumingin ako sa kisame at napabuntong hininga.
About magic,the seven rarest and dangerous shining crystals and the two of the most powerful academy and wizard.
It is The Tale of The Seven Crystals...
---
I hope you appreciate the first fantasy story of mine.
Sorry about the grammatical errors(kung meron haha)
Don't forget to vote and comment^^
©afreenly_me
Started:May 22,2019
Finished:
BINABASA MO ANG
The Tale of the Seven Crystals
FantasiSabi nila nage-exist daw ang magic,pero para saakin isa na lang 'yong kwentong pambata,para pabilibin at pagkatuwaan ng mga ito. Hindi ko inaasahan ang isang bagay na 'to,na mismong matutuklasan ko at manggugulo sa tahimik kong buhay. Ito ay ang 'Ma...