Chapter 30: Envious Bitch

975 46 21
                                    

Chapter 30: Envious Bitch
~💖~

Mint's POV

Since weekend ngayon ay nagsuggest si Daddy Drei na magpicnic kami, but of course kasama ang bruha kong half sister.

Kung pwede lang sana ay hindi isama yang bruhang yan, kaso baka kung anong isipin ni Daddy baka mabuko pa ako na nagpapanggap lang akong mabait sa half sister ko. Tss..

Nagbihis na ako at hinanda ang mga gamit na dadalhin ko. Naabutan ko naman si Cindy na nakapameywang na naghihintay sa akin.

"Oh ano tutunganga ka na lang ba diyan? Ikaw na lang hinihintay masyado ka kasing pa-VIP. Tss.." Mataray na saad niya.

"Eh sino ba kasing nagsabi na hintayin mo ako, ha? At panay ang reklamo mo dyan." Mataray na saad ko rin sa kanya.

"FYI, hindi ko gustong hintayin ang isang katulad mo. Inutusan lang ako ni Daddy na hintayin ka at pamadaliin sa sobrang kabagalan mo." Mataray niyang sabi at inirapan ako.

Nauna na siyang maglakad palabas ng bahay. Ako naman ang napairap dahil sa kamalditahan ng ugali niya. Maninibago pa ba ako? Duh!

Naglakad na rin ako palabas ng bahay. Nakita ko namang pumasok na ng kotse si Cindy kaya pumasok na rin ako.

"Good Morning, Daddy." Bati ko at hinalikan sa pisngi si Dad. Andun siya sa driver seat at andito naman kami ni Cindy sa likod.

Narinig ko naman ang pagmurmur ni Cindy.

"Good Morning din, Baconie." Nakangiting ganting bati rin sa akin ni Daddy.

"And what the F is that 'Baconie'? Nakakadiring pakinggan." Maarteng saad ni Cindy.

Nakangising nilingon ko naman siya.

"Eh kasi ate, yan ang tawag sa akin ni Daddy simula bata pa tayo. Siya  mismo ang nag isip ng pangalan na yan at siya lang ang tumatawag sa akin niyan. Ganyan kasi ako ka love ni Daddy. Right Dad?" Nakangiting saad ko pero nakatingin pa rin ako kay Cindy at binibigyan ko siya ng mapang asar na ngisi.

"Of course, Baconie." Nakangiti pa rin na tugon ni Dad.

"At isa pa, bacon kasi ang favorite kong pagkain kaya dahil dun naisipan ni Daddy na yung ang itawag sa akin. Ang sweet niya di ba. Napaka unique ng tawag niya sa akin. Eh ikaw ano nga tawag sayo ni Daddy, princess? Masyadong typical naman." Sweet kong sabi sa kanya.

Nakita ko naman ang pagkuyom ng mga kamay niya. Alam kong kanina pa siya nagpipigil na magalit sa akin dahil nandito kami kasama si Daddy.

Pagkarating namin sa bahay ng kaibigan ni Daddy ay naglatag na kami ng picinc mat. Maganda at malawak lasi ang garden nila dito kaya maganda magpicnic sa ganitong lugar.

Nagsimula na kaming kumain at pansin kong kanina pa walang kibo si Cindy. Tss... Paki ko.

"Baconie, here's your favorite sandwich. Ako mismo ang gumawa niyan sayo." Daddy said at inabot sa akin ang bacon sandwich.

"Oh thank you, Dad. I really appreciate it buti naman at naaalala mo pa ang favorite food ko." I said at tinignan si Cindy.

"Princess, here tikman mo rin ang ginawa kong sandwich." Alok rin ni Daddy sa kanya.

"Duh?! Dad, you know that i don't like bacon." Mataray na tanggi niya.

"Oh, sorry i forgot. Don't worry may ibang sandwich pa naman akong dinala, gawa ito nila manang." Daddy said at binigay sa kanya ang ibang sandwich na dala niya.

"Oh poor Cindy, buti pa yung kinakain ko gawa mismo ni Daddy. Eh ikaw, gawa ng katulong? How sad." Mahina pero mapang-insulto kong sabi sa kanya. Buti na lang at malayo si Daddy sa puwesto namin.

Girlfriend Wanna be: The UNEXPECTED Beauty || TaeLisKook FFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon