chapter 5

19 5 0
                                    

Title: "Love Ko!"

Walang pasok ngayon. Kinukulit na naman ako ni Manda sa kung anong klaseng gown ba ang bibilhin ko.

Nasa trabaho ako ngayon at kasama ko sya dito sa labas.

"Hayst! Ang gulo gulo mo kausap! Bakit parang di na yata dadalo sa prom?" Umupo sya sa isang bench doon na nasa gilid ko.

"Wala naman akong kapartner eh." Buntong hininga ko at huminga ng malalim.

May partner na kaya si Lauv?

"Ehem! Andyan na pala jowa mo, bakla! Alis na ako!" Nagkukumahog na umalis si Manda nang matanawan nya si Drake na palapit sa amin.

"Hoy! Manda!" Sigaw ko pero ang bilis ng takbo nya palayo sa akin.

"Tulungan ulit kita." Napabaling naman ako kay Drake at pinanood syang ibaba ang bag nya doon sa inupuan ni Manda kanina.

"Huh? Hindi na, Drake okay na. Baka mapagod ka lang." Nginitian nya lang ang sinabi ko.

"Para naman yan sa concert diba?" Biglang tanong nya nang sandali syang natahimik.

"Oo." Maikling sagot ko. Lumapit sya sa akin at tiningala ko sya. Mas matangkad sya kesa sa akin.

"May ibibigay ako sayo." May kinuha sya sa bulsa nya na isang cute na envelope. Kulay pink iyon at may nakasulat na pangalan ko.

Christine Jasmine Natividad

"Ano naman toh?" Natatawa kong tinanggap ang envelope na iyon.

"Sa bahay mo na buksan. Trabaho muna tayo." Ngisi nya sa akin. Agad ko namang nilagay sa bulsa ko iyong envelope.

"Okay thanks." Tumango lang sya at hinati na ulit namin ang flyers.

TUMANGHALI na at kakatapos lang namin kumain ni Drake.

"Madam!" Natanawan ko si Lauv na paparating na sa aming dalawa.

"Madam! Good news! Pumayag na si Trina na maging partner ko!" Ngiting ngiti sya at tumigil sa harapan ko.

"Huh? Lauv naman! Pano naman ako?!" Inis ko syang binatukan at natawa lang sya.

"Joke lang madam! Teka lang! Madam naman!" Patuloy sya sa pag-ilag at ako naman ay naiinis na sa kanya.

Stress na ako dito tapos magjo-joke sya ng ganun?!

"Madam naman! Teka! Nakakahiya kay Drake. Binubugbog mo ako sa harap nya baka isipin nya, di ako matikas na lalaki!" Tinawanan namin sya ni Drake at nangingisi lang si Lauv sa amin.

"Ano bang kulay ng gown mo madam? Para maiterno ko sa necktie ko? Sabi ni Manda saken kanina, di ka daw pupunta kase di ka naman daw nagkukwento sa kanya?" Umupo sya sa bench at tinabihan ko naman sya.

"Pupunta naman ako. Tatanungin palang sana kita e."

"Ah.. akala ko si Drake na ang magiging partner ko sa prom." Biro ni Lauv sa akin na ikinasimangot ko.

"Akala ko si Trina na nga ang kapartner mo eh!" Maktol ko.

"Hindi nga diba? Akin na nga yan, ako na ang mamimigay. Kumalma ka dyan madam, kami na ang bahala ni pinsan." Tumayo si Lauv pagka-hagip nya ng flyers ko.

Nagkwentuhan sila ni Drake nang makatayo na sya.

Halos kusang lumapit sa kanilang dalawa ang mga babaeng dumadaan doon.

Wow lang.

Humalukipkip ako at kunot-noo silang tiningnan.

"Madam! Date tayo pagkatapos nito ha?" Sigaw ni Lauv sa akin nang medyo malayo na sya sa akin.

"Tss! Tapusin mo muna yan Lauv!" Inis kong sigaw sa kanya.

"Okay love ko!" Sigaw nya pabalik.

Napatingin naman sa akin si Drake.

Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at pinaglaruan nalang ang kuko ko.

Jusko Lauv! Nakakahiya ka!

Bahala NaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon