6.ALOHA

993 38 3
                                    




San Marcelino,Brgy.BALUNGGAO,BANAWE PROVINCE

Kahit yata magaling na mountain climber ay susuko sa hirap para lang makarating sa bayang ito ng Balunggao.Bukod sa napaka tarik ng bundok ay may parte pa syang maputik at madulas kapag inaakyat.Kaya naman wala sa aming hindi nakaranas na gumapang at sumagupa sa putikan.

"Pasensya na kayo Captain Villareal at Captain Pamintuan,Medyo natapat tayo sa ulan kaya ganito ang lalakaran natin.Pero wag kayong mag alala at mayroon namang malinis na tubig sa bukal para kayo makapaglinis ng inyong katawan mamaya dun sa itaas._Kap.DELAROSA.(Sya yung barangay captain ng area kung saan kami pupunta)

"Ayos lang po yun kapitan,Walang kaso sa amin.Magandang experience din po ito at excited na kaming mameet yung mga taga barangay Balunggao._SKY.Saka sya tumingin sa akin at sumenyas na magsalita din ako.

"Sya nga naman po kap,Wag nyo po kaming alalahanin.Ang mahalaga ay personal nating maiabot ang tulong natin sa kanila.At saka para na din makamusta ang lagay ng mga sundalo nating nanduon._AKO.Saka sumenyas si Sky ng okey sa akin pero palihim lang. Naiintindihan ko naman si Sky,Alam nyang hindi ako sanay sa ganitong mga lugar kaya para naman hindi mailang at mahiya ang mga kasama namin,dapat talagang ipakita namin na wala kaming arte sa pag akyat.

"Nagugulat nga ako sa inyong dalawa eh.Akala ko talaga,Unang una kayong susuko sa paglalakad natin.Nag aalangan talaga ako nung una pa lang.Pero napatunayan ko na hindi pala kayo maselan at maarte gaya ng iba._Nurse Sarmiento.( Sya yung sinasabi sa akin ni Sky na nurse na mas type nya kaysa kay Doc.Ayen)Mapagbiro sya at masiyahin kaya hindi naging boring ang pag akyat namin.

"Hahahaha.Pasensya na kayo dito kay MJ ha,Talagang palabiro yan.
Pero sa totoo lang,Ganun din ang naisip ko kanina nung malaman ko na kasabay namin kayong aakyat.Ini expect ko kasi na mauuna na kayo duon sakay ng chopper or private plane.Pero talagang nakisabay din kayo sa amin talaga._Doc.Ayen.Wala pang anak si Doc Ayen pero hiwalay sa asawa.Ang sabi ni Sky sa akin,May gusto daw si Doc sa akin.

"Grabeh sila oh! Talagang hinusgahan nyo na kami agad agad? Marunong din naman kaming maglakad at umakyat ng bundok noh! Infact, ilang beses na din kaming nag hiking nitong si Captain AJ before.Pero after nung muntikan ng makidnap yung kapatid nyang si Maui nuon at si Katie G,Ngayon na lang kami ulit umakyat ng bundok._Sky.Medyo matagal na nga din yung last naming pag akyat kaya medyo nahirapan talaga ako.

"Ahhh,Natatandaan ko nga yun Captain.Yun yung ang suspek pala sa pagpapa kidnap sa kanila ay yung anak ng EX fiance ng Daddy mo tama ba?_nurse MJ.Nagkatinginan kami ni Sky.Talaga namang naging kontrobersyal ang pangayayaring iyun nuon kaya hindi nakakapagtakang marami ang nakaalam sa pangyayari.

"At talagang updated ka sa balita Miss Mj ha.Hindi na ko magtataka kung pati lovelife nilang dalawa alam mo din._Mrs.Reyes.(Nurse din pero may asawa't anak na)Namula ng bahagya si Skyler.

"Sa gwapo ba naman ng mga kapitan nating kasama,Siguradong may mga lovelife na yang mga yan,tama ba ko Captain AJ?_Doc Francis.(Isa sa mga doctor na malapit sa amin dahil ang asawa nya ay doctor na si Doc Joanne ay personal doctor ng pamilya namin)

"Hahahahha.Naku,Wala hong lovelife yan Doc! Masyadong pihikan eh.
Puro trabaho lang ang focus nyan at ni ayaw makipag date.Baka po may kilala kayong available dyan,Please lang po ipakilala nyo sa kanya.Parang awa nyo na po_SKY.
Pinanlakihan ko sya ng mata at saka sya lumayo sa akin ng bahagya dahil siguradong batok ang abot nya sa akin.

"Luko luko ka talaga SKY! Gagaya mo pa ko sayo. Wag po kayong maniwala dyan kay SKY.Hindi po ako naghahanap ng lovelife.Focus muna po sa work dahil kasisimula ko pa lang sa trabaho ko._AKO.Natawa naman silang lahat sa sinabi ko.

"Seryoso? Wala pang lovelife si Captain Villareal? Naku naman,Baka naman pwedeng mag apply sayo captain?Hahahahha. Joke lang po._Nurse MJ.Bahagya namang ngumiti si Doc Ayen sa akin.

"Malapit na po tayo sa amin,Pagtawid lang po nitong sapa.Pwede na din kayo ditong maglinis at magbanlaw dito.May naka abang na po duong mga baranggay volunteers at health worker para po kayo iassist._Assistant ni Mayor Ambrosio. Liban sa Kapitan ng baranggay,Pinasamahan din kami ni mayor sa mga kapulisan pag akyat para masiguro ang kaligtasan naming lahat.

Hindi na kami nagulat sa nadatnan naming senaryo dito sa barangay.
Bukod kasi sa mga pamilyang nakapila,Nag aabang sa mga tulong na ibinigay namin,Mayroon ding mga sibilyang nadamay sa nangyaring engkwentro ng mga sundalo at terorista.Kaya naman sobrang malaki talaga ang tulong ng mga kasama naming mga doctor at mga nurse.

"Captain Pamintuan,Captain Villareal...Narito po si Major Libiran.Dito po sya pansamantalang nag stay after ng nangyaring kaguluhan._Pulis na kasama naming umakyat.Medyo malayo layo ng bahagya ang pwesto ng barracks ni Jessie sa karaniwan.Siguro'y ayaw nya ng masyadong madaming tao at gusto nya ng privacy.

"Major,Nandito na po yung mga bisita nyo._Pulis.Kumatok muna kasi yung pulis bago kami pumasok.Tipikal na kwarto ng sundalo na walang gamit kundi mga damit na naka kalat kung saan saan.

"Major!!! Kamusta na??? Ano ng nangyari sayo,Bakit ayaw mo pang bumalik ng Manila ha?_SKY.Bahagyang ngiti lang ang sagot nya kay Sky at saka tumango sa akin bilang pagbati.Halata sa mukha na may iniindang sakit pero pilit nagpapaka tatag.

"Ayos lang naman ako dito.Wag nyo ko alalahanin.Mas dapat nyong pagtuunan ng pansin yung mga pamilyang nadamay sa gulo.Mas kailangan nila ng tulong nyo._Maj.Jessie(Classmate namin sya nuon sa HS) Kagaya din namin syang lesbian at pagsusundalo ang napili nyang propesyon.Nabalitaan na lang namin na isa sya sa casualty ng gyera kaya kami napasugod dito para sya tulungan.

"Wag kang mag alala,Madami kaming supply na pagkain,gamot at mga  gamit para sa kanila.May mga doctor at mga nurse din kaming kasama para masigurong lahat kayo ay matignan.Kaya ikaw,Wag ka ng mag inarte pa dyan.Hindi naman kami magpapakahirap gumapang at umakyat papunta dito sa bundok kung wala kaming mapapala.Syempre,Ikaw ang unang una naming prayoridad._SKY.

"Tama si Skyler Jess,Mas kailangang matignan ka para mas maagapan yang napinsala sayo.Hindi naman tamang basta ka na lang susuko at magpapaka ermintanyo dito sa bundok dahil sa nangyari sayo.Madami ka pang pupwedeng gawin at magagawa para makatulong sa bayan.Hindi mo dapat hinahayaang sa ganito lang matapos ang lahat._AKO.
Napansin ko na bahagya nyang pinunasan ang mga mata nya.Alam kong mahirap tanggapin na ang isang magiting na sundalong gaya nya ay hindi na magiging kagaya dati.Pero gaya ng sabi ko,May mga pwede pa syang magawa.

"So,Pano ba yan Major.Paparating na yung chopper na pinadala ni AJ para sunduin ka? Hindi ka pupwedeng tumanggi dahil mahal ang bayad namin duon.Nag hati pa kami sa pambayad para lang masundo ka.Wag kang mag alala,Kapag okey kana saka kami maniningil sayo._Skyler.Tumango tango naman sya sa amin kaya natuwa kami ni Sky.

Masaya kami para kay Jessie.Alam naming hindi ganun kadaling tanggapin na may bahagi ng katawan nyang nawala,Pero ang mahalaga nangyari ang lahat para mas madaming tao ang maligtas sa kapahamakan.

" ANG OLDMAID kong STEWARDESS" (ALOHA AND MARGARITA)*GXGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon