[ Yana ]
Hindi ako makatulog nang gabing 'yon.
Halos naikot ko na ang buong kama pero 'di parin ako dalawin nang antok.
Iniisip ko parin yung mga nangyari kanina.
Hindi parin kasi ako makapaniwala sa pinaplanong gawin ng parents namin.
Parang ang bilis lang kasi nang mga pangyayari.
No'ng nakaraan lang eskandalo. Sumunod naman pekeng relationship. Tapos ngayon naman kasal!.
Hindi pa nga tapos ang isa kong problema, may dumagdag pa ngayon.
Sinapo ko ang aking noo at minasahe ito nang kaunti. Pagkatapos ay pumaling ako sa kaliwa nang kama at madiing ipinikit ang aking mata.
Naisipan kong mag bilang na lamang nang tupa at baka sakaling sa ganitong paraan ay makatulong na 'ko.
Childish man na gawin, pero minsan ay effective parin sa'kin.
One sheep. Two sheep. Three sheep. Four she-....
"Sh*t!". i cursed under my breath.
Napadilat ako't biglang bumangon mula sa pagkakahiga, at animo'y parang batang nagpapadyak at ginulo-gulo ang aking buhok dahil sa sobrang frustration sa lahat nang nangyayari.
Tumayo ako't nag lakad nang pabalik-balik sa kwarto habang nag-iisip nang magandang solusyon sa mga problema.
Isip Yana!. Mag-isip ka nang paraan. bulong ko sa sarili. Hindi pup'wedeng pang habang buhay mong makakasama ang lalakeng 'yon!.
At parang biyaya naman ni God na may pumasok agad sa utak ko na magandang ideya.
Dali-dali kong kinuha ang aking cellphone sa bed-side table.
Tatawagan ko si Andrei para mapag-usapan ang maari naming maging plano o hakbang sa kaguluhan na namang ito.
Akmang ida-dial ko na sana ang number niya nang bigla akong mapa-isip.
Pa'no kung tulog na siya?. Baka hindi naman niya sagutin ang tawag ko or worst baka kapag na-gising ko siya nang wala sa oras ay mag wala at sigawan pa niya 'ko. sabi sa akin nang isang bahagi ng utak ko.
Ini-exit ko ang tawag at nag punta na lamang sa inbox ko.
Gising kpa ba? (-_-)
Text ko sa kaniya.Hinintay ko nang ilang minuto ang reply niya, ngunit sa kasamaang-palad ay wala akong natanggap.
Umupo ako sa kama at napakagat-labi. Muling namayani ang tensyon sa aking katawan.
Paano naman kasi naming masusulusyunan ito kung iniwan naman ako sa ere nang kasabwat ko.
Kasabwat?. Tama!.
At halos mapatalon ako sa tuwa dahil sa naisip.
Kung hindi ko makausap si Andrei ngayon, meron akong kilalang p'wede kong sabihan nang problema ko.
BINABASA MO ANG
Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-
FanfictionGaano nga ba katagal bago mo makilala ang isang tao at masabing MFEO (Made For Each Other) nga kayo?. Maniniwala ka bang itinadhan kayo kung mga magulang niyo naman ang may gusto?. Sina Yana at Andrei ang epitome of exact opposites. Never nagkasundo...