CROSS OVER

9 0 0
                                    

SIMULA

"Pesteng ulan, puti pa man din ang sapatos ko!"iritableng saad ni Gladys. Isa siyang med student na pauwi na galing sa kanilang klase. Required sa kanila ang nakaputing sapatos pati na uniporme kaya naman ulan at baha ang kalaban niyang talaga.

Alam niyang posibleng umulan sa araw na ito dahil narinig niya ito sa balita kaya naman naghanda na siya ng pamalit ngunit sa kasamaang palad ay naiwan niya ang pamalit na sapatos na nasa itaas na ng kaniyang lamesa at nakahanda na. Talk about bad luck.

Kahit pa labag sa kalooban niyang isuong sa putik at sa maduming tubig ang kaniyang puting sapatos ay wala siyang magagawa. Kailangan niyang maglakad at maghintay ng sasakyan kaya naman hindi niya maiiwasang ito'y madumihan.

"Wala na akong magagawa, lilinisin ko na lang ito mamaya at patutuyuin sa tapat ng electric fan."muling saad nito sa sarili.

Kasalukuyan niyang iniintay na magkulay pula ang ilaw ng traffic lights na hudyat upang huminto ang mga sasakyan at nang silang mga nagi-intay tumawid naman ang makatungo na sa kabilang kalsada. Duon kasi siya maghihintay ng jeep na sasakyan papauwi sa kanila.

Sobrang lakas ng ulan at ang dami nilang nag-iintay na makatawid. Sigurado siyang marami siyang magiging kaagaw sa sasakyan nito pauwi. Peste.

Tumingin siya sa traffic lights at nakitang nagkulay pula na ito kaya naman nagsimula na siyang maglakad ngunit biglang may humatak sa kaniya pabalik sa kaniyang naunang posisyon. She was stunned because of what happened but she was able to thank the guy who saved him. May gago kasing driver na umarangkada kahit dapat ay nakahinto na sila.

"Salamat sa kanina..ahm.. Mister?"sabi niya sa binatang nagligtas sa kaniya. "Lyndon. Okay lang yon. It's my pleasure to help. Sige, mauna na ako." he said matapos nitong ngumiti at umalis na nang tuluyan.

Napahinto siya saglit sa kaniyang kinatatayuan. Sana'y magkita pa ulit kami.

Matapos niya iyong isipin ay ngumiti siya at umiling. Isang malaking kahibangan, Gladys. Imposible iyong mangyari.

Nagpatuloy na ulit siyang tahakin ang daan niya at sumakay ng jeep upang tuluyan nang makauwi.

WAKAS

CROSS OVERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon