Flashback....
tok...tok...tok...
Bumukas ang pinto ng kwarto namin, alam ko naman si Kuya Perry ang kumakatok kase kami lang at ilang mga tauhan ang andito ngayon. Saturday kase ngayon at routine na namin na kami ang maassign dito, sya sa umaga hanggang 8pm at ako naman magdamag hanggang bukas ng tanghali. Naramdaman ko na lang na may kumakalabit sa may balikat ko.
"Mika gising na, may bisita tayo at kailangan nya ng tulong naubusan daw sya ng gasolina sa tapat ng resort natin."patuloy parin nya ako ginigising.
"Oo na babangon na ako. Mag-aayos lang ako, sususnod na ako.."napipilitan kong sagot sa kanya, ilang oras pa lang kase ako nakakapahinga galing sa mahaba habang byahe nanggaling pa kase ako opisina derecho dito sa resort.
"Bababa na ako ha, sumunod ka na sa labas."palabas na sya ng pintuan ng humarap ulit sya saken na nakangise."tol ganda nung bisita natin sure akong magugustuhan mo. kung wala lang ako girlfriend saken na yon eh, kaya papaubaya ko na lang sayo.hahaha" at tuluyan na syang lumabas, as if naman papatulan ko ang kalukuhan nya.Bumangon na ako, nagtoothbrush at naghilamos lang ako, hindi na ako nag-abalang mag-ayos pa. Lam ko naman hindi pwedeng paghintayin si Kuya mainipin pa naman yon.
Dumirecho na ako sa reception area kasama ko ang isang tauhan namin para makakatulong namin sa pagpapasok ng sasakyan ng bisita namin. Nagulat ako sa kasama ni Kuya siguro sya yong bisita na sinasabi nya. Hindi nga nagkamali si kuya sa sinabi nya kanina, maganda nga ang bisita namin kahit payat sya.Nahiya naman ako sa hitsura ko na halata pang bagong gising nakakahiya naman sa kanya. Pero ang nakaagaw talaga ng pansin ko ang malungkot nyang aura at namumugto nyang mga mata. Siguro may pinagdadaan sya kaya napadpad sya dito, napakadami kase ng resort na mas maganda pa dito at isa pa naubusan daw sya ng gasolina. Sigurado ako malaki ang problema nya. Sumunod na kami sa labas at pinagtulungang itulak papasok ang sasakyan nya. Ng maipasok na namin ang sasakyan hindi pa man nakakababa yong babae umakyat na kagad ako sa kwarto namin para makapaligo at makapag-ayos. Iba ang naramdaman ko ng makita ko sya parang naramdaman ko bigla na pareho kami ng pinagdaanan 2 years ago, parang feeling ko kailangan nya ng makakausap. Bumaba na ako kase paalis na si Kuya baka may ipagbibilin pa sya saken. papunta na sana ako sa reception area ng makita ko sya naglalagay ng mga gamit nya sa kotse nya. Kaya lumapit na lang ako sa kanya.
"Kuya may mga ipagbibilin ka pa ba bago ka umalis?"tanong ko sa kanya. At kaagad naman syang lumapit saken.
"Yeah...yon bago natin bisita nagbilin sya ng pagkain, mukhang pagod na pagod eh wala naman syang sinabi kung food na gusto nya basta ang sabi hindi naman sya mapili at wag mawawala ang milk. Ikaw na bro ang bahala alam mo na naman kung ano masarap na pwede dalhin sa kanya. Tanong mo na lang din kung ano pa mga kailangan nya. Alis na ako tumawag na si Mommy eh dumating daw sa bahay si Leslie(girlfriend nya....gawa gawa lang po yong pangalan ng gf nya ) sumakay na sya sa sasakyan nya, kumaway pa sya saken bago tuluyang umalis.
Pagkaalis ni Kuya nagpunta kagad ako sa canteen ng resort, dumerecho ako sa kusina at kinausap ko ang chef namin kung ano ang dapat nya lutuin para sa bisita namin at ako na lang ang nagprepare ng milk. Ng ok na lahat dinala ko na ang food sa kwarto ng bisita, bago ako makarating sa kwarto nya may iba pa kaming bisita na bumati saken may mga ilan na kilala ko na kase suki na namin sila. Ng makarating ako sa tapat ng room nya ipinatong ko muna sa pushcart ang food na dala ko bago ako kumatok.
tok...tok...tok...
Nakatatlong katok na ako pero wala akong narinig na sagot mula sa bisita. Kaya naman nagsalita na ako.