Umuwi na ung mga besties ko kasi may mga tagahatid't sundo din kasi sila. Ako naman kanina pa ako dito. Nirarape na nga ako ng mga lamok e! Huhu. Infairness, nakakabagot maghintay huh.
*KRIIIIING*
*KRIIIIING*
*KRIIIIING*
*KRIIIIING*
"Ay! Ipis na feeling butterfly!"
Nakakagulat naman 'tong phone! Bigla-biglang nagr'ring. Di ako prepared. >_<
*KRIIIIING*
*KRIIIIING*
"Hello?"
"Hello iha?"
"Manong, asan na po kayo?"
"Iha, naku pasensya kana di kita masusundo ngayon inatake nanaman kasi ang asawa ko. Isinugod ko sa ospital." Aa. Kaya naman pala.
"I understand po. Sige po. Paki sabi na lang po kay Manang na get well soon po. Bibisita na lang po ako."
"Sige iha makakarating. Basta mag-ingat ka na lang diyan. Magtaxi kana lang para masiguradong ligtas ka."
"Hehe. Opo. Opo. Bye po! Ingat po kayo diyan ni Manang."
"Ikaw din iha."
*TOOT*
*TOOT*
*TOOT*
Annyeong! Ako nga pala si Jana Kyung Soo. Half Filipino. Half Korean. FilKor. KorKnee. I'm a graduating HS student. Address? Bat ko sasabihin! Baka nakawan niyo ko e! :P Mahirap na 'nu. :D
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
"CRAP." Paano ako makakapagtaxi niyan? Huhu. Wala na pala akong pera. Bat kasi ngayon pa ako naging gastosera? Ugh, paano na 'to?
P50 lang pera ko.
So... I have two options for now JEEP OR BUS?
Jeep, hindi ako marunong. Di ko pa kasi natry.
"Aish. I'll go with the bus." Buti nalang kamo at nagbus kami minsan nila besties, kundi lagoooot.
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Kanina pa ako nag-aabang ditto ng bus pero lagi na lang akong nauunahan. Argh.Nakakaasar.Bigla-biglang may manunulak sa akin tapos tatapakan ang paa ko. Aish. Ung totoo? Di naman kayo ganong nagmamadali 'no?
xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx
Haay. At last nakasakay din! Phew! Akala ko forever na akong maghihintay ng bus. Buti na lang at may naupuan pa ako.
*BOINK*
"Ugh." Kanina pa 'tong ulo ng katabi ko. Kanina pa 'to napupunta sa shoulder ko. Ang sarap pugutan ng ulo.Aish. Bat ba kasi siya natutulog dito?! Mukha ba 'tong kwarto niya?! Ginugulo niya ung pagtetext ko kay, EHEM, 'JOEY KO'. Ayieee. Kinikilig akuu. :">
Sino si Joey? Siya lang naman ang BOYFRIEND KO. HAHAHA. Aba malandee. 2 months, 1 week, 5 days, 19 hours, 49 minutes, and 35... 36... 37... seconds na kami as of now. O diva, bilang na bilang. Ganyan ko yan kamahal kaya subukan niyong agawin sa akin yan nakooo, makakatikim kayo sa akin! :P
Binalik ko na lang ung ulo niya dun sa may kabilang side. Baka mangawit pa ako e.
*BOINK*
"Argh. Kanina ka pa 'lam mo un?" Sabi ko. Pero alam ko naming hindi sasagot 'no. Binalik ko na lang ulit. Isa pa talaga.Nakoo pupugutan kita ng ulo. Joke, di naman ako ganun 'no. Anghel kaya 'to.o:)