Bata bata naalala mo pa ba ako?
Akong lagi mong nilalayuan sa tuwing lumalapit sa iyo
Kabutihang dala ko ay hindi lingid sa iyo
Nakabusangot ang iyong mukha sa tuwing ako ang kaharap mo
Bata bata na noo'y mahilig sa tsokolate at tsitsirya
Na ang pagkain ng berdeng pagkain ay kinukutya
Kamusta ka na kaya ngayon?
Kending matamis pa rin kaya ang iyong nginunguya?
Tandang-tanda ko pang ang paborito mo noong kainin ay Ring Bee at Patata
'Pagkat buong akala mo'y sa mga pagkain na ito'y lilinaw ang iyong mga mata
Bata hindi , mali ang iyong akala
Kaya ika'y sinubukang ilayo sa tukso ng masama
Ngunit ako'y paulit-ulit na nabigo
Sapagkat ang pag-inom ng sodang itim at kahel ay naging iyong luho
Sahalip na tubig ito ang patuloy na pumawi sa bibig mong tuyo
Hindi man lamang inisip ang masamang maidudulot nito.
Kapagdaka'y ikaw ay nilalapitan ko
Subalit lumalayo ka , ang distansya mo sa akin ay tila isang kilometro
Ni ayaw mong makita kahit ang aking anino
Ano bang mayroon sa akin at kinatatakutan mo ang aking anyo
Maganda naman ako, maganda ang dulot ko sa iyo
Kulubot man ang aking balat ngunit sa akin ay hindi ka mabibigo
Sabi mo pa nga diba "Bitter Ako"
Ako'y natuwa sa iisiping idolo mo pala ako.
Bata bata wala naman akong ibang intensyon kundi ang pasayahin ka
Sa kabila man ng pait , ako'y nakahandang alalayan at gabayan ka
Ganoon kita kamahal kaya huwag kang magtaka
Napapaisip kung ano ang dahilan ng paglayo mo sa akin ng ilang distansya.
Nasisiyahan ako sa tuwing nakikita kitang nakatawa
Ngunit ito'y naglalaho kapag ako'y nakikita
Kaya piniling manatili na lamang sa isang banda
Hinihintay na magbago ang iyong isip at ako'y magustuhan mo na.
Ilang taon na din pala ang nakalipas , Bata bata naalala mo pa ba ako?
Dahil ako , naalala ko pa ang isang katulad mo
Ang batang lumaking kaharap ang naglalakihang tsitsirya
Sahalip na mga pagkaing masusustansya.
Gayunpaman ako'y muling magpapakilala
Kung sakaling pangalan ko'y nilimot mo na
Magandang araw ulit sa iyo Bata !
Ako nga pala ulit si Ampalaya.
YOU ARE READING
The Best Of Binus (Mga Mapanakit At Mapang-akit Na Tula At Prosa)
PoetryIt is a poem