Panandaliang Saya
Panandalian lamang pala
Ang mga sayang sa akin ay patuloy mong ipinadama
Hindi inakalang hanggang doon lamang pala
Ang akala ko kasi'y panghabambuhay na.Mga pangako mong binitawang tila ba napakagandang musikang kaysarap pakinggan
Ngunit sa huli lahat pala ng iyong ay pawang kasinungalingan
Totoo ngang lahat ng bagay na narito sa lupa ay panandalian lamang
Kagaya ng sayang ipinaranas mo nang mga sandaling puso ko'y iyo nang nakuha.Teka teka akala ko ba'y magiging tayo na
Hindi ba't gusto mo ako at gusto na din kita ?
Sinabi mo pa ngang ako na ang matagal mo nang hinahanap sinta
Subalit sa isang iglap , lahat ng iyon ay nabura.Saya, ang sayang nadama habang kausap ka ay isang palang kisapmata
Pumikit lang ako ika'y napunta na sa iba
Daig pa ang magnanakaw kung tangayin ang bag, telepono o pera
Sa isang kumpas puso ko'y hinablot mo nalang bigla.Saya, ang sayang akala ko talaga'y panghabambuhay na
Na naglaho na lamang na parang bula
Panandaliang sayang naghatid ng hindi maipaliwanag na kilig
Ay mauuwi pala sa panandaliang sakit at pait.
YOU ARE READING
The Best Of Binus (Mga Mapanakit At Mapang-akit Na Tula At Prosa)
PoetryIt is a poem