Ang gusto ko ay isang dibuhista
Ang gusto ko ay isang dibuhista
Na kayang ipinta ang mga masasayang ala-ala naming dalawa
Kaya akong guhitan ng maririkit na obra maestra
Na magtutugma sa aking bawat talinhaga.Ang gusto ko ay isang dibuhista
Dibuhistang iguguhit at ilalapat sa pamamagitan ng kaniyang papel kung paano lahat nag-umpisa
Marahang gagamitan ng pinturang makulay ang puting papel upang mas maging masigla
Mas maging masigla ang aming istorya habang ako'y binubuo ito sa pamamagitan ng salita.Ang gusto ko ay isang dibuhista
Dibuhistang kayang bigyang buhay ang aking mga akda
Kayang iguhit ang bawat metapora sa aking tula at prosa
Dibuhistang isasalin ang aking mga likhang salita sa mas masining na pagkakagawa.Ang gusto ko ay isang dibuhista
Na ako'y walang sawang susuportahan sa aking pagsusulat
Dibuhistang paiibigin ang puso ko gamit ang kaniyang mga pintang kawangis ang mga tala sa kalangitan
Habang ako'y bibihagin siya ng aking mga salitang makapangyarihan.Ang gusto ko ay isang dibuhista
Dibuhistang sasabayan ako sa paglipad gamit ang aming mga imahinasyong mahiwaga
Sapagkat ako'y isang makata na marahang isusulat siya bilang isang napakagandang tula
Habang siya'y nakatingin sa akin at ako'y kaniyang ipipinta.
YOU ARE READING
The Best Of Binus (Mga Mapanakit At Mapang-akit Na Tula At Prosa)
PoesíaIt is a poem