Chapter 11 : Queen Razza

2.4K 63 4
                                    

👑👑👑
Subukan niyo rin pong basahin ang HIS SERIES. Bawat update ko dito sa Ruthless Assassin ay asahan niyong may update din po ako sa HS.. Lovelots Quinnies!!😘😘😘

YUYAN

NAGISING ako dahil sa araw na tumatama sa aking mukha. Kahit tinatamad pa ay bumangon na ako upang makapaghanda.

Binuhat ko na ang aking sarili sa kama at mabilis na naghand stand. Limang beses akong nagtaas-baba at nagpush-up ng limang beses. Pagkatapos ay muling naghand stand ngunit isang kamay na lang ang ginamit ko.

Napatingin ako sa pinto nang may kumatok at bigla itong bumukas. Pumasok si Aeron na may dalang isang malaking baul.

Nangunot ang kanyang noo nang makita ako sa ganitong posisyon. Kaya naman ay ibinaba ko na ang mga paa ko at tumayo na.

"Hindi ka pa ba nakaligo?" tanong nito.

Umiling ako at nagtungo sa banyo. Naramdaman kong sinundan niya ako.

"Maliligo pa lang ako," sagot ko at naghilamos ng mukha. "Masiyado pang maaga." dagdag ko.

"Pasensiya naman, excited kasi akong ayusan ka." wika nito. "Babalik na lang ako mamaya. Iiwan ko na muna dito ang kit ko." dagdag nito at inilapag ang baul niya sa kama pagkatapos ay lumabas na ng kuwarto ko.

Nang matapos akong maligo ay nagsuot na ako ng roba. Saktong dating naman ni Aeron na may dalang tray ng pagkain.

"Mag-almusal ka muna. Si Toshiro ang nagpapabigay." aniya at inilapag ito sa study table ko.

Tumango na lamang ako at naupo na. Nang maamoy ko ang pagkaing inihanda ay nakaramdam na rin ako ng gutom. Napansin kong pinagmamasdan ni Aeron ang kwarto ko.

"Alam mo, kung hindi ka lang assassin, iisipin kong lesbian ka." wika nito habang tinitignan ang mga koleksyon ko ng tako ng billiards. Maging sa mga koleksyon ko ng mga maliliit na laruang sasakyan at mga pana na nakasabit sa dingding. "Ang dami mo palang koleksyon, no?" tanong nito.

Hindi na lang ako kumibo at ipinagpatuloy ang pagkain.

*   *   *

"Ano ka ba, huwag ka munang pumikit." suway ni Aeron habang nilalagyan ng eyeliner ang aking mata.

Hindi ko alam kung ilang oras na niyang pinage-ekspirementuhan ang mukha ko. Dahil ngayon gaganapin ang drag race at mamayang gabi ang party.

"Matagal pa ba iyan?" reklamo ko, dahil kanina pa nangangati ang mata ko sa ginagawa niya.

"Sandali na lang," anito at ipinagpatuloy ang pagguhit sa mata ko. "Oh, ayan okay na.." wika niya.

Napayuko ako at pinikit-pikit ang aking mata, upang pigilan ang pagluha nito. Pagkatapos ay nag-angat ako ng mukha at tinignan ang repleksyon ko sa salamin.

"Oh, siguro naman ay hindi ka na makikila sa itsura mo?" tanong nito, habang nasa likuran ko at nakatingin din sa salamin.

Tumango ako bilang sagot. Inaamin kong napahanga niya ako sa ginawa niya sakin. Ibang-iba ang itsura ko sa dati, magkaibang-magkaiba. Mabuti na lamang at narito siya.

RUTHLESS ASSASSIN [BOOK II] COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon