Alam Kong Gising Ka

415 11 0
                                    

Natutulog na siya ng gabing iyon. Nang makarinig siya ng mga yabag sa labas ng kaniyang silid. Iminulat niya ang kaniyang mata. Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang killer. Hawak nito ang pugot na ulo ng kaniyang mga magulang. Nagkalat ang dugo sa sahig ng kaniyang silid.

Nilagay ng killer ang pugot na ulo ng kaniyang magulang sa upuan. Sinawsaw nito ang daliri sa nagkalat na dugo sa sahig at may isinulat sa dingding ng kaniyang silid. At nagtago ito sa ilalim ng kama niya.

Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Hindi niya mabasa ang isinulat ng lalaki sa kaniyang silid dahil nakapatay ang ilaw at alam rin niyang nasa ilalim ng kama niya ang killer. Hindi siya gumalaw at nanatiling nakahiga. Rinig na rinig niya ang paghinga ng lalaki. 

Lumipas ang ilang oras at unti-unti niya nang nababasa ang nakasulat sa dingding. Iniisa-isa niyang binasa ang bawat letra hanggang mabuo niya. Napasinghap siya ng mabasa ng buo ang nakasulat.

"Alam kong gising ka"

At naramdaman niyang may gumalaw sa ilalim ng kaniyang kama.

GIMBAL AT SINDAK (Horror Story Collection)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon