MissAghteen's Note: Sinulat ko po 'to nung Valentine's day kaya pamvalentine's day siya. Hope you like it...
~*SULAT*~
Ang sulat na naglalaman ng sekreto
Sekretong aking pilit itinatago
Gustohin ko man na sabihin sa iyo
Ngunit puso ko't isip ay nagtatalo.Bakit ko pa ba sasabihin sa iyo?
Kung ang nasa puso mo ay ibang tao
Bakit ko pa hahayaan ang puso ko?
Kung alam kong sa dulo ako ay talo.Pero sana ngayong araw ng mga puso
Hayaan mo akong ipagtapat sayo
Kahit man lang dito sa sulat na ito
Masabi kong ikaw ay iniibig ko.*
**
Any suggestions?
Message me 😁
YOU ARE READING
Poems
Thơ caCompilation ko po to sa mga tula na ginawa ko. Ginawa ko po ang mga ito noong school days. Kapag po wala akong ginagawa. Gusto ko po sanang ishare sa inyo. Habang wala po akong maisip na kasunod na chapter sa story ko, gumagawa po ako ng mga short p...