~*Matalik Na Magkaibigan*~Tayo ay matalik na magkaibigan
Magkasama sa saya at kalokohan
Sa lungkot ay palaging nagdadamayan
Sa saya ay minsan na nagsasakitanNgunit ano 'tong aking nararamdaman
Di ko pa 'to naramdaman kahit kailan
At sana naman ako ay malinawan
Kung bakit ko minahal aking kaibiganHindi na talaga ito maaari
Dahil puso mo'y may ibang may-ari
Mahal kita ngunit hindi na 'to pwede
Dahil sa puso mo ay ibang babaeNararamdaman ko'y dapat nang pigilan
Dahil sa dulo'y ako ang masasaktan
Tayo ay matalik na magkaibigan
At kahit kailan, di na hihigit pa diyan.
YOU ARE READING
Poems
PoesíaCompilation ko po to sa mga tula na ginawa ko. Ginawa ko po ang mga ito noong school days. Kapag po wala akong ginagawa. Gusto ko po sanang ishare sa inyo. Habang wala po akong maisip na kasunod na chapter sa story ko, gumagawa po ako ng mga short p...