•Kahit Ganito Lang Ako

297 7 0
                                    


~*Kahit Ganito Lang Ako*~

Dalawa kaming nagmamahal sa iyo
Kapwa lumalaban para sa puso mo
Ngunit bakit naman siya ang pinili mo?
Ito ba'y dahil sa aming estado?

Sana simula pa lang ay sinabi mo
Sana sinabi mong ang hanap mo'y gwapo
Mas pinili mo 'yong gwapo't edukado
Hindi ang tulad kong tapat at totoo

Sorry kung ganito lang talaga ako
Di kasi ako tulad niyang matalino
Pero pagdating sa kaligayahan mo
Pagiging mapagbiro ko'y asahan mo

Pero sana sa piling niya'y masaya ka
Sana masaya ka na pinili mo siya
Dahil 'pag sinabi mong nagkamali ka
Wag mong asahang may babalikan ka pa

***

P.S.: Parang di po ata relate yung title sa poem. Hahahahahahaha bahala na. Don't forget to vote.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PoemsWhere stories live. Discover now