Chapter 40-Word of Wisdom

14 0 0
                                    

Mark POV

"Bakit kase hindi mo kame tinawagan."

Mula ng dumating sila dito sa hospital.Hindi na sila tumigil kakadakdak.Na kesyo daw bakit hindi manlang ako nagtext sa kanila na pupunta ako ng bar.

"Yan ang napapala mo sa pagiging selfish mo.Hindi naman kame magpapalibre sayo pero nagsolo ka pa rin." Dakdak ni Dex.

"Spring paabot ng salamin." Agad naman niyang inabot sa'kin.

Pagtingin ko.Tang*na.Parang na Vhong Navarro lang naman ako.

"Gwapo mo noh?" Pang-aasar ni Dex.Sinamaan ko agad siya ng tingin."Hehehe...joke lang." Dugtong niya.Napatingin naman ako sa gawi ni Win.Tahimik lang siya habang naka-upo sa couch na nandito sa loob ng hospital room.

"Alam ba nila Tita?" Tanong ni Spring.

"Hindi.Ayoko mag-alala sila.Kung nag-aalala pa nga sila sa'kin." Sagot ko at humiga sa kama.

"They should know about this."

"Wag mong subukang ipalaam." May pagbabanta sa boses ko.

Hindi ito ang unang beses na-ospital ako.Minsan na kameng may nakalaban.Kameng lahat sa ospital ang bagsak.Tinawagan nila Tita Chands nun ang parents ko para ipaalam na may nangyari sa'kin pero tumawag lang sila at nagtanong kung kamusta na daw ako.

Hindi manlang sila umuwi para alamin kung ok ako o hindi.Kaya ngayon hindi ko na ipapalaam kung anong nangyayari dito sa'kin.

Ito yung mahirap sa pagiging mayaman.You can do what you want.You can buy anything what you like pero hindi ka masaya.Naisip ko nga minsan.Panu kung naging mahirap nalang kaya ako.Siguro hindi ako magiging ganito ngayon.Siguro hindi ako magiging basagulero.

Natigil ang pagmumuni ko ng biglang bumukas ang pinto at inuluwa nun sina Sam at ang barkada niya.Ibig sabihin nito ok na sila.Bumangon ako at umupo.

"Sam." Sabi ko.Tahimik lang siya habang nakatingin sa'kin.

"A**h*le! Bakit ka nagpabogbog kay Lee ha?" Umiiyak niyang sabi.Natawa naman sina Spring at Dex.

"Bakit kayo tumatawa ha?!" Sigaw niya kina Spring.

"Wagas ka kase makapagbintang Sam.Hindi naman si Lee yung bumugbog sa kanya." Natatawang sagot ni Dex pero inirapan niya lang ito.Ang maldita.Humarap siya sa'kin kaya agad akong nagseryoso.

"Sinong nambogbog sayo?" Seryoso niyang tanong.

"Hindi ko alam.Hindi ko nakita ang mga mukha nila kase ang dilim sa....."

"Bar na naman?!" Sigaw niya."Bakit ba ang hilig niyong uminum ha? Hindi niyo ba alam na nakakasira lang yun sa health." Wow may health health pa siyang nalalaman ha.

"Kunti la......."

"Gusto ba'ng mamatay ng maaga ha?"

Ito na naman siya eh.Hindi na naman niya ako pinapatapos.

"Kalma lang Sam." Sabi ni Dex sa kanya.

*bogssh*

Sabay kameng napatingin sa pagsara ng pinto.

Tang*na na.Si Win lang naman yung lumabas.

.............

Winter POV

Padabog kung sinara yung pinto.Kung makapag-usap sila parang wala ako sa tabi nila.

Paglabas ko ng hospital.Nagsindi agad ako ng yosi at umupo sa upuan dito sa labas.

HATERS (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon