My Destine Angel

19 2 0
                                    

"My Destine Angel"

written by: CrisJae <3

Plagiarism is a Crime. Konsensya nyo nalang po kapag ginawa nyo po ang bagay na yon.!

THANK YOU po sa mga Magbabasa ng First Story ko. :)

Sensya na po sa mga Wrong Grammar Haha :D. Baguhan lang po ako ii. Salamat sa BESTFRIEND ko na Tumulong Sakin Gawin TONg Story ko.

KEAN M. MANUEL <3

_ _ _ _ _

MOnday Morning :)

*Divine POV*

Ako si Divine Rano. Sabi nila mapalad daw ako dahil napagkalooban ako ng isang anghel. Isang anghel na mag-aalaga , magproprotekta, at nagbibigay ng tunay na pagmamahal sa akin. Halos lahat ng nasa paligid ko iyon ang sinasabi. Mala- anghel sa ganda, kay buti ng kalooban ng aking ina. Alam ko rin iyon. Maganda, mabait at maalaga ang aking ina. Siya ang inspirasyon ko, kung bakit ako ngayon nag-aaral ng mabuti.

“Divine, bumaba kana dito at kakain na tayo!”

“ pababa na po, ma!”

Bumaba ako galing sa aking kwarto at tinungo ko ang lamesa. Ang sarap ng almusal namin. Sinangag, tuyo at itlog.

“ ang sarap naman ng almusal natin, ma.” Sabi ko habang nagsasandok ng kanin. Si mama naman ay kumukuha ng tubig.

“parang halos araw-araw naman, ayan ang almusal natin”.

“pero hindi naman po nakakasawa ah.”

“pasensya na anak, ayan lang ang kaya ni mama sa ngyon e.” may halong lungkot ang tono ng boses niya.

“ok lang po, masarap naman e.” sabay ngiti ng matamis sa kanya. Para naman sa akin- “ basta magkasama tayo ma. Ok na po”.

“ ah, anak una na pala si mama, alam mo naman sa trabaho ko. Kailangan ko na pumasok. Mag-ingat ka.”

            Nagmamadaling kinuha ni mama ang gamit niya sa lamesa. Humalik sa aking pisngi at dumiretso na siya sa pag-alis. Isa siyang factory worker. Masasabi ko na nakakapagod ang trabaho nya. Nagbubuhat rin siya ng kapag kulang sila sa trabahador.

*SCHOOL*

“ Divine!, sigaw ng besfriend kong si Claire.

“ Claire naman, hindi naman kailangan manigaw. Malapit lang ako”.

“ok, sorry. Na- excite lang naman ako sabihin to sayo”. Sabay ngiti na hindi mo mawari.

“ bakit ano ba iyon?”

“may scholarship kana!!! Pasigaw na sabi nito.

“ aaaaaaaaaahhhhhhhhhh!! Napatili ako sa narinig.

“ulitin mo nga iyong sinabi mo?????! Tama ba ang pandinig ko?? May scholarship nako??

Biglang may tumakip sa bibig ko na panyo. Si Jasmine pala, kaibigan rin namen.

“ang ingay nyo! Ano bang meron at nagsisisigaw kayong dalawa?”.

“tignan mo ng mabuti, kung hindi ka rin mapasigaw.” Sabad ni Claire.

“ NAKAPASA KA!!!” biglang yakap ni jasmine sa akin na nakangiti.

“Congrats!!”.

“ thankyou! Pero bago yan. Pumasok na tayo sa klase at baka malate pa tayo.  Pumasok na nga kami ng magkakasabay.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 29, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Destine AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon