Chapter Twenty Seven
"THANK you, baks," mahigpit na niyakap ni Julianna ang kaibigan nang ihatid ito sa sasakyan.
"No need to thank me. One of these days ay baka hingi'n ko rin ang kaparehong pabor sa'yo," tugon nito.
"You want me to meet your parents?"
"Yes."
Ngumiti siya. "Sure. Anything for you, baks. After all, we're on the same boat."
"You bet'cha."
Pagkatapos dumalo sa panghapong misa kasama ang mga magulang, nagpaalam si Julianna sa mga ito na uuwi na sa kanyang apartment. Hindi naman tumutol ang mga ito. Quarter to seven ng gabi ay humimpil ang sinasakyang taxi ni Julianna sa tapat ng kanyang apartment. May sariling susi si Sachi sa bahay niya kaya ini-expect niyang nasa loob na ito at naghihintay. Ngunit nagtaka siya nang pagbaba niya ng taxi ay wala pa ni isang ilaw na bukas.
Tatawagan na sana niya ang nobyo nang may biglang kumawit sa beywang niya.
"Sachi!"
"Nagulat ba kita?"
"Obviously," inirapan niya ang nobyo.
Magkahawak-kamay silang naglakad patungo sa kanyang apartment unit. Si Sachi na rin ang nagbukas ng pinto gamit ang duplicate key nito. Pagkatapos ay binuksan nito ang ilaw bago siya pinapasok sa loob.
"Kadarating mo lang din ba?" tanong niya sa kasintahan.
"Kanina pa. Nakapagluto na nga ako ng hapunan. Kaya lang baka nakapag-dinner ka na."
"Nag-miryenda lang kami sa labas pero hindi ako kumain ng marami kasi gusto kitang makasalo sa hapunan," malambing niyang iniyakap sa beywang ng kasintahan ang dalawang braso.
"Mabuti naman," he hugged her back and squeezed her tighter. "Na-missed kita."
Isang gabi lang naman silang hindi nagkasama. Pero tulad niya ay nasanay na rin itong katabi siya sa pagtulog.
"Ako rin," she buried her face on his chest and sniffed his natural, and manly scent.
Hinagkan nito ang ibabaw ng kanyang ulo at pagkatapos ay iginiya na siya papuntang dining.
"Kumain na tayo." Nagsimula itong maglabas ng mga plato at kubyertos.
Tumayo siya at tumulong na rin. Kumuha siya ng malamig na tubig at dalawang baso. Inayos niya ang table setting. Si Sachi ay naglagay na ng kanin at ulam. Simple lamang ang mga inihanda nito. Ginisang gulay at corned beef. Pero kaagad na nagtubig ang kanyang bagang sa pagkatakam. Kung kaninang kasalo niya ang mga magulang ay kontrol na kontrol niya ang sarli sa pagkain, ngayon ay hindi niya inawat ang bibig. Kumain siya nang kumain hanggang sa pakiramdam niya ay napakabigat na ng kanyang tiyan.
"I'm so full."
"Gusto mong maglakad-lakad?" ani Sachi habang nagliligpit ng kanilang mga pinagkainan.
"Yes, I think that's a good idea."
"Saglit lang at liligpitin ko muna ang mga ito para hindi tayo ipisin."
"Okay, I'll brush my teeth first," aniya.
Pumasok siya ng kuwarto at nag-sepilyo. Nagpalit na rin siya ng komportableng walking shorts at canvass shoes. Paglabas niya ay tapos na si Sachi sa mga ligpitin. Ito naman ang nagbanyo. Paglabas nito ay may dala itong jacket at isinuot sa kanya.
"Medyo malamig na sa labas, baka sipunin ka."
"Thank you, mahal."
Magdi-December na kasi kaya medyo malamig na ang dapyo ng hangin. Maganda ang kinaroroonan ng apartment niya dahil maraming puno sa paligid kahit may ilang malalaking establishments sa malapit. May parke rin doon at walking distance lamang mula sa kanyang apartment. Madalas iyong pasyalan ng ilang pareha at mag-anak kapag weekend. May maliit na koi pond doon at fountain.
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...