Chapter Thirty
"YOU need to move back home."
Nagtaas ng luhaang mga mata si Julianna sa direksyon ng kanyang ina.
"Mom," nasa mukha niya ang pagtutol nang tingnan niya ito.
"Don't Mom me. Ginagawa ko lamang kung ano ang makabubuti sa'yo. At tanggapin mo na rin ang katotohanan na hindi matatanggap ng Daddy mo ang relasyon ninyong dalawa."
Napakagat-labi siya at mahigpit na napahawak sa kamay ng kasintahan. Pinisil ni Sachi ang kanyang kamay.
"Magsisikap po ako para sa aking mag-ina. Huwag niyo lang pong ilayo sa akin si Julianna. Mahal na mahal ko po siya."
"I'm afraid that's not good enough," umiiling na wika ni Evita. "I have all the detailed information here about you."
Itinaas nito ang folder na dala nito kanina.
"Hindi ko na siguro kailangang isa-isahin pa ang mga nakasulat dito para maintindihan mo na kahit kailan ay hindi ka puwedeng bumagay sa anak ko."
Kitang-kita ni Julianna ang sakit na lumatay sa mukha ng nobyo. At nasaktan siya para rito. Hindi ito kilala ng kanyang ina. Hindi tamang pagbasehan ang reports ng kung sino para husgahan nito ang kanyang nobyo.
"Don't say that, Mommy. I love him. And I don't care kahit ano pa ang pagkatao niya."
"Tumahimik ka! Hindi mo alam kung anong kalokohan ang sinasabi mo."
"Mahal ko po si Julianna. At nakahanda po akong ipaglaban siya."
"Don't make me laugh. Hindi mo pa kilala ang asawa ko. Kahit na ano ang mangyari ay hindi niya matatanggap ang relasyon ninyong dalawa. Not in a million years."
Nagsikip ang dibdib ni Julianna sa sinabi ng kanyang ina.
"Ipagpasalamat niyo na lang na ako ang nakatanggap ng report na ito. Had it been Diomedes, baka kinaladkad niya na si Julianna at ipinadala sa London."
"What are you saying, Mom? Hindi kayo ang nagpa-imbestiga kay Sachi?"
"Why would I do that? Ni wala akong ideya na ang lalaking ipinakilala mo sa amin ay mukhang hindi mo naman totoong nobyo."
"Then who...?" nagtatanong ang tinging nilingon ni Julianna ang kasintahan.
"Si Cristina."
Namilog ang mga mata ni Julianna sa narinig. That witch!
"Whoever it was, that person did us a favor. Kung hindi sa ginawa niya, hanggang ngayon ay buo pa rin ang paniniwala kong isang masunurin at ulirang anak ang pinalaki namin ni Diomedes. Na hindi niya kami magagawang lokohin lalo pa at ibinigay namin sa kanya ang lahat ng luho at kalayaan," puno ng panunumbat na wika ni Evita.
Napayuko si Julianna. Aminado naman siya sa kanyang sarili na malaki nga ang kasalanang nagawa niya sa mga magulang. However, hindi niya pinagsisisihan ang relasyon nila ni Sachi. Mahal na mahal niya ito. Ang pagkakamali niya lang ay itinago niya sa mga magulang ang totoo. Isang bagay na kahit sinong ina o ama ay labis na sasama ang loob. Alam naman niyang mangyayari ang sandaling iyon. If it's any consolation, mabuti na lamang at ang Mommy niya ang nakatuklas sa kanyang sikreto. Dahil kung ang Daddy niya iyon ay natitiyak niyang mas malaking gulo. At katulad ng sinabi ng kanyang ina, malamang ay ura-urada siya nitong ipadala sa Lola niya sa London. At iyon ang ikinatatakot niya. Hindi niya kayang mapalayo kay Sachi.
"Pack some of your stuff, we're going home. Ipapakuha ko na lamang ang iba mo pang gamit kay Yaya Magenta."
"Mommy, no."
BINABASA MO ANG
The Heiress and the Manwhore
RomanceIn a society divided by power, wealth, and social standing, two unlikely souls collide. Sachi had nothing, not even a good name. He used to be a male escort, a prostitute, skilled at fulfilling his clients' most private desires. He has long accepted...