Damage

17.7K 732 75
                                    

Chapter Thirty-Two

TUTOL man ang kalooban ay walang nagawa si Julianna nang maging hatid-sundo siya ng driver nila ng mga sumunod na araw. Hindi na rin siya basta-bastang nakakalabas ng bahay nang walang bodyguard at walang pahintulot ng kanyang ina. Sa buong buhay niya ay noon lamang siya napaghigpitan ng ganoon katindi. Sa school na lamang sila nagkikita ni Sachi. Pero iyon man ay limitado rin ang oras. She missed him so much.

Nang araw na iyon na magkita sila pagkalabas niya sa ikalawang subject ay hindi na niya napigilang umiyak nang yumakap nang mahigpit dito.

"I've missed you so much."

"Ako rin. Sobra."

Nag-usap sila nito sa may likuran ng school canteen kung saan may mga benches na nalililiman ng malalaking puno. Mabuti na lamang at hanggang sa labas lang ng campus puwedeng magbantay ang bodyguard niya. Binilinan kasi ito ng kanyang ina na huwag palalapitin sa kanya si Sachi. May bilin pa ito na do-whatever-is-necessary. Meaning, kahit gumamit ng pisikal ay gawin ng bodyguard upang hindi sila magkasarilinan ng kasintahan.

"You look thinner," aniya na hinaplos ang tila humapis nitong mukha.

"Ikaw rin. Hindi ka ba kumakain nang maayos? Alalahanin mo, dalawa na kayo ni baby. Huwag kang magpapabaya sa sarili mo."

"Nahihirapan lang kasi ako sa situation natin."

"Ako rin naman. Pero kaunting tiis lang muna. Maka-graduate lang ako, itatanan na kita."

Natigilan si Julianna sa narinig. Hindi niya ini-expect na maririnig iyon mula sa nobyo.

"Well, iyon ay kung ayos lang sa'yo?" parang nag-aalangang sabi nito.

"Ayos na ayos sa akin," maluha-luhang sagot niya.

"Pasensya na kung paghihintayin kita ng kaunting panahon. Gusto ko lang kasi na kahit papa'no ay may tinapos naman ako para may maipuhunan tayo habang nagsisimula."

"I'm okay with anything, mahal, basta magkasama lang tayo. Ikaw at si Baby Saschia."

Mahigpit siyang niyakap ng nobyo.

Nang dumating ang oras ng susunod na klase halos ayaw pang humiwalay ni Julianna sa kasintahan. Alam niya kasing paglabas niya sa susunod na subject ay diretso uwi na siya sa mansion. Si Sachi naman ay tutuloy na sa bar na pinapasukan nito. Mabuti na lamang at hindi pa naiisipan ng kanyang ina na kumpiskahin ang cellphone niya. Dahil kapag nagkataon ay talo pa niya ang naputulan ng hininga. Iyon ngang limit lamang ang oras na kasama niya ang nobyo ay naghihimagsik na ang kalooban niya, iyon pa kayang hindi niya naririnig ang boses nito kapag gusto niya itong makausap?

Pero tulad ng sinabi nito, kaunting tiis lang muna. Nasa tamang edad naman na siya. Payag siyang makipagtanan kay Sachi. Maaaring sa una ay itakwil siya ng kanyang mga magulang. But eventually and hopefully, matanggap din ng mga ito ang gagawin niya. Hindi naman masamang tao ang lalaking mahal niya. Magkaiba lamang ang sirkulong kinabibilangan nila.

Nang maisip iyon ay bigla niyang naalala si Annika. Ang laki ng damage na nagawa niya rito. Sana pagdating ng araw ay mapatawad din siya nito, ito at si Walter. Kung karma man niya ang nangyayari sa kanya ngayon, buong puso niyang yayakapin ang karmang iyon.

Lumipas pa ang mga araw at nalalapit na ang Christmas vacation. Alam ni Julianna na kapag sumapit ang bakasyon ay lalo ng wala silang chance na magkasintahan na muling magkita. Dinig pa niya ay balak ng kanyang mga magulang na sa London mag-celebrate ng Christmas hanggang New Year. Iyon daw ang request ng kanyang Lola. Ayaw niya pero alam din niyang wala siyang magagawa kung iyon ang magiging desisyon ng kanyang mga magulang.

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon