Unfair

16.3K 748 94
                                    

Chapter Thirty-Three

TINAWAGAN ni Sachi si Julianna para alamin ang sitwasyon nito. Busy man sa trabaho sa bar ni Rupert ay isinisingit pa rin niya ang pagti-text rito. Ngunit ni isa sa mga text niya ay walang reply. Kaya naman tinawagan niya ito. Ngunit mukhang naka-off ang cellphone ng kanyang nobya. Nang maisip na baka nagpapahinga ito ay ipinagpaliban na lamang muna niya ang pakikipag-usap dito. Madalas naman kapag libre ito ay hindi nakakaligtaang mag-text o tumawag sa kanya.

Kinabukasan, kahit medyo nakapikit pa ang mga mata ay cellphone kaagad ang hinanap niya para tingnan kung may message ang nobya. Wala. Ni missed call ay wala rin.

Ano na kaya ang nangyari sa kanya? Kagabi pa siya kinakabahan. Itinataboy niya lang ang pag-aalala dahil ayaw niyang mag-isip ng anumang negatibong bagay.  

Kaagad siyang naghanda para pumasok sa eskuwela. Mag-aabang na lang siya sa gate. Madalas naman itong maagang pumapasok.

"Alis na po ako, 'Ma," halik niya sa pisngi ng ina.

Nasa may pinto na siya ng kanilang barung-barong nang tawagin nito.

"Anak."

Nilingon ni Sachi ang ina. Nakita niya ang pag-aalala sa mukha nito. 

"Bakit po? May ipapabili ba kayo?" 

"W-wala. Kumusta kayo ni Julianna?"

Isang ngiti ang ibinigay niya rito bilang tugon. "Ayos lang po."

Ayaw niyang mag-alala ito sa sitwasyon nila ng nobya. Alam niya kasing malakas maka-trigger ng asthma nito ang stress. Kaya kapag may problema hangga't kaya niya ay hindi siya dumadaing sa ina.

"Aalis na po ako, 'Ma. Baka naghihintay na sa akin 'yon," aniya na pilit pinasisigla ang boses.

"Sige. Mag-iingat ka."

"Sige po."

Habang nasa biyahe patungong eskuwelahan ay maya'tmayang sinisilip ni Sachi ang kanyang cellphone. Maaga pa para sa first subject niya nang dumating siya ng campus. Halos sabay lang ang klase nila ng nobya kaya naman nagbantay siya sa bench na madalas niyang upuan kapag naghihintay rito. Pero dumating ang oras ng unang subject nito sa umagang iyon ay wala pa rin ni anino ng service na kotse ng kasintahan.

Halos manghaba ang leeg ni Sachi sa pagtanaw sa gate. Kakaunti na rin naman ang mga pumapasok na estudyante dahil nga halos bakasyon na. 'Yong iba pumapasok na lang para sa mga ipapasang last minute projects.

Nasaan ka na, mahal na kondesa?

Nang ihudyat ang oras para sa klase niya ay lakad-takbong pumasok na siya. For sure ay magti-text ito kapag nakapasok na ng school. Pagkalipas ng halos isang oras ay natapos ang kanyang klase. Kaagad siyang pumunta sa gusaling kinaroroonan ng klase ng nobya. Papalabas na ang mga kaklase nito.

"Si Jules ba ang hinahanap mo?" tanong ng kaklase nito na nakaaway ng minsan ng nobya. Mukhang on good terms na ito kay Julianna.

"Oo. Nakita niyo ba siya?"

"Hindi siya pumasok."

Nahagod niya ang buhok sa pag-aalala. Hindi na niya pinasukan ang susunod na subject at binantayan na lamang niya sa susunod nitong klase si Julianna, baka na-late lang ito ng pasok. Pero doon man ay hindi rin sumipot ang dalaga. Muli niya itong sinubukang tawagan. Subalit ilang subok na niyang kontak dito ay hindi pa rin siya maka-connect.

Baka naman may nangyari na rito?

Sa isiping iyon ay lalo na siyang nag-alala. Ayos lang kung hindi ito nakapasok dahil inaantok pa ito. May ganoong sumpong kasi ito minsan dahil na rin sa paglilihi. Pero huwag naman sanang may sakit ito o ano. 

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon