Run

18.1K 757 188
                                    

Chapter Thirty-Four

"HELLO."

"Elizabeth."

Talo pa ni Julianna ang matagal na nakulong sa penitentiary na nang makakita ng bagong mukha ay halos takbuhin niya iyon ng yakap.

"Hey, how are you?"

"G-good," sasabihin niya sanang great. But what's so great about her current situation? She feels miserable. She missed Sachi at ilang araw na lamang ay lilipad na sila paalis ng bansa.

"I heard you're going out of the country for Christmas vacation?"

"Uhm, y-yeah," at gusto niyang maiyak sa lungkot. It's been five days mula nang ipadala niya ang sulat sa kasintahan. Hindi niya alam kung may magagawa itong paraan para siya maitakas bago pa sila umalis ng kanyang mga magulang. "Ikaw? Dito ka lang ba sa Pilipinas magpa-Pasko?"

"No. I'm going to visit my grandparents in Ireland."

"I see."

"I talked to your Mom. I asked her permission if we could go out."

"Oh, I don't think--"

"You can go," ani Evita. "But you will be taking your bodyguards with you. I'm sure that's okay with your friend."

"Of course, Ma'am," mabilis na sagot ni Elizabeth. "That won't be a problem at all."

"Good. Magbihis ka na."

Sa sinabi ng ina ay parang may pakpak ang mga paa ni Julianna na umakyat sa kanyang silid. Para siyang ibong nakakulong sa hawla na sabik na makalaya kahit pansamantala. Sleeveless top at skinny jeans lang ang isinuot niya. Ganoon din naman ang bihis ni Elizabeth. Tinakpan niya ng concealer ang discoloration ng kanyang pasa. Mula pagkukulay-ube ngayon ay parang nagba-brown na iyon. Parati kasi iyong nilalapatan ng Mommy niya ng cold compress kaya kahit papaano ay nag-improve ang hitsura.

Alam niyang masama ang loob nito sa kanya. Hindi siya nito kinakausap maliban kapag kailangan.

Matapos magsuot ng komportableng sapatos ay lumabas na siya ng kanyang silid. Iniwasan na niyang magsuot ng may takong sa takot na baka mapamali siya ng hakbang ay mapaano pa ang baby nila ni Sachi. Tiningnan niya ang laman ng kanyang pitaka bago iyon ipinasok sa kanyang LV bag. May ilang lilibuhin pa roon. At dahil wala na siyang credit card, naisip niyang puwede na siguro iyon sa lakad nila ni Elizabeth.

"Here."

Nagulat si Julianna nang pag-angat niya ng tingin ay makita ang credit card niya na hawak ng ina.

"Use it. Huwag ka ng mag-shopping ng marami dahil pupunta tayo ng Paris. Your cousin invited us to watch her show."

"O-okay, Mom. Thanks."

"Behave."

"Yes, Mommy."

Bago sila umalis ay mahigpit na pinagbilinan ni Evita ang dalawa niyang bodyguards. Babae at lalaki iyon, na pinangalanan niyang Lulu at Morgan--from Banana's in Pajamas show.

Sa kotse na ni Elizabeth siya sumakay, may driver slash bodyguard din ito ngunit medyo may-edad kumpara sa mga bodyguard niya. Mukha ring mabait at hindi tulad nina Lulu at Morgan na parang nasa military academy pa rin ang asta. Nakakairita. Daig pa ng mga ito ang mga naglalakad na bato.

"Cheer up, will you? Baka lumabas na salubong ang kilay niyang inaanak ko," nakangiting biro ni Elizabeth kay Julianna.

Napahinga siya ng malalim at pinilit ang sariling ngumiti. They went to Nuvou Mall. Nauuna ang sinasakyan nila ni Elizabeth at nakabuntot ang sasakyan nila kung saan nakalulan ang dalawa niyang bodyguards. She grew up in prosperity. Ngunit kung kailan siya tumanda ay saka pa siya nagkaroon ng mga asungot na bodyguards. 

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon