Promise

17.3K 744 116
                                    

salamat kay @numerhus at ms @iAmKath10, @frost_fjord at ms @CherylManuel sa ilang infos na ginamit ko sa chapter na ito :)

.

Chapter Thirty-Five

"ANG cute ng call sign niyo," natatawang sabi ni Julianna nang makasakay na silang magnobyo sa bus.

Hindi sila iniwan ni Rupert hangga't hindi umaalis ang bus na sinasakyan nila. Nagbilin pa ito na huwag kakalimutang tumawag o mag-text ni Sachi anuman ang kailangan nilang dalawa. Na tatawa-tawang sinagot lang ng kanyang nobyo sa pamamagitan ng pagmamano sa kaibigan na para itong nagpapaalam sa isang tatay. 

They are going to Surigao. Malayo-layo rin iyon at may dalawang araw raw ang biyahe, ayon sa nobyo. Papunta sila sa probinsya nina Mang Kanor. Ang brgy. captain sa lugar nina Sachi. Baka doon na rin daw sila mag-Pasko habang pinalalamig nila ang sitwasyon. Ayos lang naman sa kanya, as long as magkasama sila. 

"Nakarating ka na ro'n?" aniya nang humilig sa dibdib nito.

"Oo," banayad nitong hinagkan ang ibabaw ng kanyang ulo saka ipinalibot sa kanyang balikat ang jacket nito. Ang sinasakyan kasi nila ay air con bus at napakalamig ng buga ng air con sa mismong kinauupuan nila. "Dating kontratista 'yon si Mang Kanor bago na-involve sa politics. At dahil ume-ekstra-ekstra ako sa pagko-construction sa kanya noon, madalas niya akong maisama sa mga trabahong ginagawa niya."

"Marami ka na bang lugar na napuntahan dito sa Pilipinas?"

"Marami-rami na rin. Batangas, Albay, Laguna, at ilang lugar sa bandang Visayas."

"Marunong ka na sigurong magsalita ng ilang local dialects, 'no?"

"Mga common phrases."

"Like what?"

"Guapa, magayon, gihigugma taka, ay-ayaten ka, palangga ta ka, tag higugma takaw, mahae ko ikaw, namumuot ako saimo."

"Ano ang ibig sabihin ng mga 'yon?"

"Maganda, mahal kita."

Nag-init ang magkabilang pisngi ni Julianna nang matiim siyang titigan ng nobyo habang sinasabi ang mga salitang 'yon.

"I love you, too. Je t'aime, ti amo, te quiero."

Ngumiti ito saka yumuko at mabilis siyang kinudlitan ng halik sa labi. 

"Nasabi mo na ba 'yon sa iba mong naging girlfriend?"

"Ngayon lang."

Napalabi siya. Pero ang totoo ay nagdiriwang ang puso niya.

"Pero, di nga. Ako pa lang ang naging girlfriend mo?"

"Mahirap bang paniwalaan 'yon?"

"E, kasi naman," napahaba ang nguso niya at biglang namula ang mukha.

Natawa ito sa reaksyon niya. "Kahit sino puwedeng gawin ang bagay na iyon nang walang involved na emosyon."

Trabaho lang, dugtong ng isip niya. 

Hindi na siya nagtanong pa. May mga bagay kasi na mas mabuti pang hindi na lang niya alam. Ang mahalaga'y mahal siya nito at mahal niya ito.

"Puwede kang umidlip para hindi ka masyadong mainip sa biyahe," ani Sachi.

"No, later na lang. Atsaka sabi mo, di ba? Dadaanan natin ang buong Luzon, Visayas at Mindanao? Gusto kong makita ang magagandang view na madadaanan natin. This is a once in a lifetime chance for me na malibot ang buong Pilipinas."

He chuckled. "Sige, ikaw ang bahala. Kapag nagutom ka, marami akong biniling pagkain dito."

"I'm not yet hungry," lalo pa niyang isiniksik ang sarili sa dibdib ng nobyo.

The Heiress and the ManwhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon