Gale's POV"This is so ridiculous," I whisper to myself while sighing in regret as I was walking towards my best friend's party.
They have this crazy routine na kapag anniversary n'ya at ng boyfriend nyang si James ay nagpapa-throw siya ng party sa maala mansyon nyang bahay. At dahil bestfriend ko ang baliw magmahal na Candice na iyon, wala akong choice kung hindi ang magpakita ng suporta, at umatend sa corny na party nila. I'm really amazed kung paano s'ya pinapabayaan ng parents nyang gawin ito every year. They really support her relationship with James, which is really weird nowadays.
Habang naglalakad, naaninag ko kaagaad ang nag-iisang bahay sa village na nakabukas ang ilaw ngayong hating gabi. The music is so loud na rinig na rinig ko ito kahit medyo malayo na pa ako dito. Buti hindi nagrereklamo ang mga kapitbahay nila. Well puro soundproof naman siguro bahay dito at masyado na silang inaantok para magalit sa iskandalosong selebrasyon na ito.
Napailing-iling nalang ako sa kalokohan na ito habang padabog na ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa bahay nila.
Maya maya lamang, narating na ako sa gate nila na bukas na bukas, at naglalakad na ako petungo sa bahay nila.
Napahugot ako ng napakalalim na hininga habang pinagmamasdan ko ang pool nila na punong puno na ng mga schoolmates namin na naka bikini at topless na nagsasaya na parang wala ng bukas. This place is a mess. Napaka daming bote ng alak, chips, at kung ano ano pang abubot ang nakakalat sa kung saan saan. Nakakaamoy narin ako ng hindi maganda amoy sa lugar na ito, at mukhang wasted na lahat ng tao dito.
Umiirap kong tinahak ang daan papunta sa loob nang bigla akong niyakap ng mahigpit ng taong may pakana nito.
"You're finally here! Kanina pa kita hinihintay, akala ko nga hindi kana pupunta eh!!" nakakarindi sigaw ni Candice habang yakap ako.
Agad agad kong inalis ang yakap n'ya sakin dahil ang baho na nya at mukha na s'yang lasing. If only tita and tito knows kung anong nangyayari ngayon, they would totally freak out!
"Ang baho mo na teh," naiiritang sabi ko, agad niya akong nginusuan.
"C'mon napaka kj mo naman! This is a freaking party! With actual drinks, ok? Natural lang ito hahhaha, and look around you! Everyone's having fun! That's why you should definitely have fun too!" Abot tenga n'yang ngiti habang tinutulak ako papasok sa bahay nilang nakakabulag dahil sa disco lights.
It took a while bago makapag adjust ang mata ko at makita ang nakakadiring pictures nila ni James na nakapaskil sa bawat dingding sa loob ng bahay nila. There's this picture na magkasama sila sa beach, school, party, prom at madami pang iba. At meroon pang napakalaking poster ang nakasabit sa railings ng hagdan nila na nakalagay 'Happy 7th Anniversary!' with their picture noong highschool play namin, kung saan si James si Romeo at si Candice naman si Juliet. They're holding each other's arms habang nakatingin sa isa't isa na tila ba punong puno ng heart ang mga mata. Argh.
Isa lang ang masasabi ko. Napaka OA nila! Sinong normal na tao ang gagawa nito?
"Isn't this romantic?" Bumuntong hininga si Candice habang nakatingin sa paligid n'ya.
Romantic? I don't think so
"Hey! baby there you are!" sigaw ng lalaki na papalapit sa amin.
BINABASA MO ANG
I'll Give You the Universe
RomansGale's life is a complete tragedy. Her mother left her when she was a child and now she's stuck living with her abusive father-Dylan. Love is never easy for her until she met a guy named Zayne with his enchanting iridescent eyes. Heartbreak and trau...